Duvadilan (Isoxsuprine HCI)
Nag post ako nung nakaraan about my experience. Una, pag tumatayo ako may urgent to pee ako, kailangan hawak ko tiyan ko sa ilalim, saka naninigas. Tapos netong 3 weeks ganun paren naninigas, minsan masakit, minsan hindi. yung paninigas niya ang interval 28-35 seconds after 30 minutes 28-35 seconds after hour (1hour) same ulit. tapos nilapit ko siya sa center nung nag pa check up ako. binigyan ako ng gamot. Nag lalakad kasi ako every morning 1 hr with 10-20 squats ( not everyday ) same sa hapon (everyday) sa rooftop and squatting saka kegel. Sinabihan ako na bawal, wag muna and total bed rest. nawindang ako. kala ko kasi normal lang yung paninigas kasi malapit na manganak ( 33 weeks and 6 daya ) yun pala kaya ganun kasi nag cocontract ako. maaga pa daw para mag contract ako ng ganun. anws no physical or one on one ang naging interview sakin sa center. di din natignan heart beat baby, thru phone lang. safe paren naman inumin to dba kasi reseta naman nila. natatakot ako kung kailan malapit na ganto pa nangyayare :( kasi baka pag ininom ko mag karoon ng complication si baby :( still nag intake paren ako ng prenatal vitamins ko hays. hiraaap nakakastress, natatakot ako :(