Feeling stressed ako mommies pwede dito nalang ako mag rant ?
nag away kasi kami ng lip ko kanina.. dahil lang sa napaka petty na bagay, andami na nyang sinabe na masasakit sakin..(this isn't the first time though).. hmm may anak kami, 8months old.. pero may anak sya sa long term gf nya dati, 3y/o na yung bata ngayon.. unexpectedly, yung baby nila autistic.. tapos parang ako yung bine blame nya, kasi yung attention daw nya nasa amin ng anak ko, samantalang mas kailangan daw sya nung mag ina nyang isa.. ee at the first place choice nya naman na kami ang piliin nya, hindi ko naman sya pinilit.. yung isang mag ina nya po nasa ibang bansa.. naghiwalay sila kasi nagkakilala kami, magkawork kasi kami dati.. (wag nyo na po ako ijudge please).. tapos ayun nag live in kami hanggang nagka baby din kami.. pero lage ko nararamdaman na mas mahal nya yung unang pamilya nya kesa samin ? parang napipilitan lang sya kasi kami yung andito, kami yung malapit ? syempre hindi pa po ako makawork ngayon kasi exclusive BF po ako at 8 months palang baby namin.. pero lage nya ako sinusumbatan na sya naman daw nagpapalamon sakin, sya nagbabayad ng bills and all.. ang sakit sakit ? selfish daw ako kasi sarili ko lang iniisip ko.. samantalang nag aalaga ako ng anak namin tapos paalaga din sya.. buong araw naglalaro sa PC, sa fone.. ako nag aalaga, nagliligpit nagluluto.. hindi lang ako makaayos ng bahay or makapagluto andami na nyang sinasabe na wala akong silbe.. sabe pa nya, ikaw yung pinili ko pero ganito lang?! haaay.. aminado naman ako may mga kasalanan ako pero hindi ko naman na yata deserve yung ganitong treatment ?ang sakit mga mommies, kaninang tanghali pa ko umiiyak hanggang ngayon, ang sama sama ng loob ko ? dii ko na alam gagawin ko parang puputok na ulo ko sa sakit ???
Got a bun in the oven