No sexual contact at all

Nag-advise si OB na wag makipagcontact kay mister hanggang sa makapanganak pero hindi din naman sinabing maselan ang pagbubuntis ko. Para lang daw hindi na kami mamroblema, tiis tiis muna. May ganitong advise din po ba ang OB niyo sa inyo and ano daw reason? (11 weeks pregnant, 1st baby) thank u sa sasagot.

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po mula nung na preggy ako hindi. Pa talaga lalo na kasi high risk pag bubuntis ko. Pero totoo din yan para mas safe much better tiis tiis muna kasi may pag aaral din na ang sperm ng lalaki nakaka. Soft ng cervix and nakaka contract ng tummy ni mamshie. Kaya hanggat kaya tiis in wag na lang daw muna

Magbasa pa

unang check up ko kay ob...cya mismo nagsabi na pwede lng mag sex kahit daw buntis, dpat din daw lalo na pag malapit nang manganak para mas mabilis maopen ang cervix, pero ako lng ang ayaw kasi parang awkward lng kasi gawin lalo na malaki na ang tummy😀

its not safe daw tlga makipag doo lalo kpag 1st tri kasi dyan daw nagdedevelop mga organ ni baby. wala namang advice ob ko na no contact pero literal wala na kami contact kSi masakit sa pempem ang dry na kasi haha

pero ung ob ko sabi sa akin kasi nag ask if nag make love kami sabi ko dpa noong mga weeks pa lang ako noon sabi niya mag contact kayo minsan kailangan un kasi nakakatulong din daw un sbi niya.

ako po simula nung nalaman ko na buntis ako.. bawal po makipag contact sa hubby ko kasi open cervix po ako simula nung 1st month palang po hangga ngayon..

Sakin ganyan din sa 1st and 2nd baby ko never kami nag contact at all. Pde mag bleed po kayo. Ma lead sa miscarrage, pde magka infection kayo.

Recently nalang nung nagkaroon ako ng brownish discharge @ 32 weeks dun lang binawal. Pero before naman wala naman sinabing bawal 😅

ako din momsh. as much aa possible daw wag mag muna kasi ung sperm daw nkkpalambot ng cervix. baka mag early contraction daw.

3y ago

Hello 😊 ako po pinagbawalan lang nung nadiscover ni dra na medyo mababa ang placenta ko mag -aapat na buwan ako nun. So nagbedrest lang ako & no contact pero pagdating ng 36 weeks, inadvise na ko na need na ng contact para makatulong sa paglambot ng cervix ko & sa paglabor

VIP Member

hindi naman inadvice sakin ng OB ko na makipagcontact kay hubby. pero binilinan na wag masyado. yun lang

TapFluencer

simula ng nalaman kong preggy ako.d na ako nagpapagalaw.pang apat ko na ito