Pera

Nag aaway ba kayo ng asawa mo pagdating sa pera? Bakit?

284 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung bagong kasal kami YES. Dahil sa biyenan ko kaya kami nag aaway. Kasi panay hingi. Buti sana pinabayaan ni mister eh may allotment naman na 10k every month pero pag nakabakasyon si mister, hingi ng hingi. Pag hindi napapagbigyan, nagpaparinig sa FB o kaya dinadaan sa iyak si mister. Ito naman si mister na isang marupok, binibigyan nalang nanay niya para walang gulo, ang ending, kami yung na shoshort yung bugdet tapos pag kami naman nanghihiram sa biyenan ko, kahit piso di nagbibigay. 2 years kong tiniis yun, majority ng away namin dahil sa nanay nya talaga, to the point na makikipaghiwalay na ako sa kanya kasi feeling ko di pa sya naka graduate sa mga respinsibilidad nya sa nanay nya. Ang akin lang naman, pag nakabakasyon si mister eh sana wag sila hingi ng hingi kasi personal savings namin yun eh, total pag nasa barko naman si mister, may allotment naman silang 10k. Kaya nung nabuntis ako this year, ANG LAKI NG PINAGBAGO NI MISTER HAHAHA. Kahit iniyakan siya ng nanay niya kasi uutang na naman, sabi ni mister na may anak na kaming pinag iipunan nya baka daw kasi maubusan kami ng pera at di naman daw kami makakahiram sa kanila. Ayun, tiklop si mother dear. Ang laki ng pinagbago nya talaga, at dahil dun, never na kami nag aaway sa pera. Ayan oh shared post ng nanay niya as in now lang, JULY 17, 2020 dahil uutang na naman pero di pinagbigyan ni mister dahil kabuwanan ko na, currently 36 weeks pregnant hahaha

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Akala kasi nila namumulot kami ng pera sis. Kaya ayoko na talaga magpa utang sa biyenan ko kasi di marunong mag bayad, galit pa pag siningil mo. 3x na yan umutang sa amin tig ti 10k inutang, pero kahit piso walang binayad sa amin kaya ngayon na buntis ako, si mister talaga never na binibigyan ng pera kada baba niya, di na rin pinapautang nanay niya.