Pera

Nag aaway ba kayo ng asawa mo pagdating sa pera? Bakit?

283 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

minsan mamsh, pero hindi naman maiiwasan yan lalo na sa panahon ngayun db? sobrang hirap kumita ng pera ngayun at naiintindihan ko naman si LIP, kasi siya Lang yung may work samin. kailangan ngayun tipid2x, yung mga di nmn kailangan bilhin isantabi na muna ☺

Minsan. Lalo na now na pinag iipunan nmin ung pg panganak ko. D naman ako madamot kaso ung lip ko sa sobrang bait kung cno2 na lalapit sa kanya pra mangutang tas bigay nman sia. Yung iba paulet ulet na nde nman marunong mg bayad. Kea un pingtatalunan namin.

Minsan. We are both government employee. Yun nga lang, may mga araw na short sa budget because I am pregnant and diagnosed with GDM. Tapos nandito pa rin kami sa parents ko and majority of my salary ay doon nauubos. Kaya nauunawaan kong magtampo sya minsan.

iniiwasan namin magtalo tungkol sa pera, basta transparent lng kami sa paggastos, kuha sya ng pera basta need nya, free dn naman ako kumuha pambili necessities. Gnun lang. Open lang, partner kami, dapt walang sekreto lalo sa pera, Basta magsasabi.

Opo ng away kmi nun nalaman ko my malaki sya utang sa bayaw nya utang nya yun nun binata pa sya at hanggang ngayon binabyaran nya sobrang aq naiinis sa knya at hindi nya sinabi sa akin nun single pa kmi at natulungan ko sya sa problema nya

Wala. Mapagbigay ang asawa ko. Wala akong work pero nasakin lahat ng sweldo nya kasi mas magaling akong magbudget. Tapos sya ang nanghihingi sakin pag may gusto syang bilhin. Pag me gusto syang kainin, bumibili kami. It works for us 😊

Nope. Ako ang nagmamanage. Hubby doesn't ask basta bigay nya lang ATM nya sakin. Pero ang 13th month nya kanya kung anuman gusto nyang bilhin. I have a job, too. Akin din 13th month ko. Hahaha. Basta I make sure may savings kami.

VIP Member

I'm so blessed na sa tagal namin ni hubby nag sasama never pa kami nag away or cause ng away namin MONEY🥺 kasi same kami na ayaw na ayaw namin na ang pag aawayan dahil sa pera. Sabi nga nang matatanda bwisit sa buhay🥺😔

Gustong gusto ko siya awayin dahil sa sobra niyang bait at mapagbigay eh kaming sariling pamilya niya minsan na sasuffer (kinukulang sa budget). Pero pinipilit ko na lang talaga pagkasyahin budget namin kesa pag awayan pera.

naka bukod kasi ang pera namin para sa isat isa at pera panggastos sa bahay. preggy ako ngayon, di pa siya nag aabot para sa pambili ng gamit ni baby kasi nag iipon siya sa pag papaanak ko. ewan ko kung may naiipon ba. hahahha