283 Replies

NO. Gastos niya lahat dahil siya ang may work pero never siyang nagreklamo about sa gastusin at para makatulong din ako hindi na ako nanghihingi ng pera sa kanya naghihintay lang akong magbigay siya sa akin at siya din may hawak ng ATM niya at sweldo niya ayaw ko makialam kasi siya nga ang nagtratrabaho. Siya nagbubudget sa lahat at siya din namamalengke/grocery. 😊 Mahirap walang sariling income na mommy kaya tiis lang ako hanggat di pa ako manganganak.

Cheers sis 😊😊 ganyan din ako antay lang ng ibibigay ske alam ko naman kung gaano kahirap kitaan ang pera 🤣😊 pero thanks God , pagkasahod nya nagbibigay sya ng pang alawans namen saka pang alawans ko sa sarili ko para makain ko lahat ng gusto ko 😊😊 25weeks pregnant 😊 antay lang makakapagtrabaho naman ulit 😊😊

Yes at times.. may mga gusto siya bilin na ayoko. Sanay Kasi kmi na may kanya kanyang pera. Lately wla ako work Kaya may times na Hindi kmi nag kakasundo especially sa utang. Ayaw ko tlga Ng may utang na iniisip. ASAP kailngn mabayaran..Ang hirap pag Isa lng may work. Hindi ko masyado pinapakialaman pera Niya, Basta kailngn maprovide needs nmin the rest kanya na. Kaya after nitong pandemic I'll make sure na may work na rin ako.

twice a month nya aq pinapadalhan dahil nagresign aq sa work at mhirap aq magbuntis inaaway q sya minsan kc gzto q ng magwork para hnd sya mahirapan khit n government employee sya hnd KC aq sanay n humihingi pero sobrang bait ng hubby q kahit ata magtatalak aq never nya aqng pinapatulan lagi nya Lang sagot mhal n mhal ko kau ni baby Kya ok Lang AQ Ang mahirapan KC aq Ang lalaki. at pinagpapasalamat q un ky god.

oo nag-away kami dati tungkol sa pera. Kasi sanay kasi ako na pag may bibilhin na wala sa budget, lagi akong nagpapaalam sa kanya. Respeto lang kasi sa taong nagtatrabaho. isang beses may nagustuhan ako sa isang OL shop. nagalit sya sakin at guilty din ako. muntik na kaming maghiwalay dahil dun. nag sorry ako at nangako na makakabalik lang. ayun ok na kami. iba pa rin talaga pag nagpapaalam.

Hindi, di rin ako nagagalit kung wala minsan nga wala na laman wallet ko pero chill lang preggy ako 7months alam ko din naman kasi hirap ng asawa ko sa work pero ang key talaga dyan dapat may pera kang sarili diskarte lang ng diskarte mag tulungan lang kayo at wag mag susumbatan wag din mag bibilangan sino mas pagod sino mas mas nagpapakahirap or sino mas malaki ang ambag sa bahay :)

ako po hinahayaan ko po si hubby na gawan ng solusyon about sa money kc di nmn sya nagoopen sakin tungkol sa money nahihiya sya sakin lalo na nakatira pa kami sa family ko. mabait nmn family ko di nmn nila sinusumbat tinutulong nila sa amin dlwa pero dahil mapride si hubby hinahayaan ko muna saka ako nagtatanong pag alam kong di na ok nagoopen naman sya sakin pag ganun.

yes madalas po dahil NEVER sya nagshare sa anak namin kahit during may pregnancy pa lang LAHAT LAHAT ng expenses sa bahay allowances nya luho nya including yosi at alak AKO lahat samantlang may work naman sya . BUONG sahod nya kasi binibigay doon sa 2 anak nya sa una kaya naawa ako kay baby kasi para na lang sana sa anak namin ni vit wala sya contribution dun 💔

VIP Member

No and napag usapan namin na hindi namin dapat pag awayan ang pera. Sa awa ng Diyos responsible naman sya mula sa bayarin and nag initiate sya magbigay ng allowance, ugali nya rin magtanong if meron pa ba akong budget o wala na. Even nung nagwowork ako kusa kong sinasalo yung ibang bayarin, minsan pakiramdaman talaga, hindi porket lalake dapat salo nya lahat.

TapFluencer

minsan at eto ang pnkaayaw q s lhat ang pgtalunan ang pera kc pr skin mlas un... minsan kc hhnapin nya asan n dw sahod nya kla nya gnun kdli mgbudget. e aq nmn d nmn mdmot s gnyan lalo nat may sariling sahod aq e pano n kya kung wl aq sarili pera e d lalo n kawawa... kya pnmmuka q s knya yn pr s ssnod wag nya n q hnapan ayoko tlg gnyn....

VIP Member

di naman. di naman kasi ko humihingi sa kania pag may gusto kong bilhin tska may certain amount ako na binibigay para ambag ko sa mga gastusin sa bahay kasi nag wowork din naman ako. halos lahat ng gamit ni baby saken lang galing ung pinambili di ako nanghihingi sa kania ung pinambili lang sa crib ang hiningi ko. di kasi ko sanay ng nanghihingi.

pareho tayo mommy! di talaga ako nanghihingi nahihiya ako. antay lang ako magbigay sya.😂

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles