1st trimester timbang bumaba

Naexperience nyo na po bang bumaba yung timbang nyo ng halos 4kgs during first trimester mga mi?😞

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung 1st tri ko pababa talaga timbang ko dahil sobrang ang pagsusuka at paglilihi ko kaya yung ob ko niresetahan ako ng mga vitamins na makakatulong sakin apra di tuloy tuloy magdrop yung weight ko and thank god nung pang 5th month ko non tumaas na timbang ko and currently 36weeks ako today. From 38kilo to 51kilo

Magbasa pa

if sobrang selan nyo like puro suka kau baba po talag timbang nyo.. tulad ko nung 1st tri ko parang wala ng laman sikmura ko walang gana kumain, puro suka kahit tubig sinusuka ko.. tumimbang rin ako ng 39kls .. pero sa 2nd tri medyo mabawasan na yan hanggang sa unti2 ka na makakabawi sa kain

Grabee po ba pagsusuka or paglilihi niyo? Sakin kasi grabee kaya 7kg ang nabawas sakin. Pero may iba kayong dinaramdam na hindi kasama sa pregnancy symptoms or kung wala nman kayo nararamdaman tapos biglaang bumaba timbang mo baka may medical problems na kailangan e check ng doctor

yes. normal lang naman daw po given ung mga pagsusuka at kaselanan ng pagbubuntis at 2nd po babawe na tayo sa timbang as 1kilo per week po expected. then magbabawas naman o hindi na kakain ng marami pag nasa huling months na 😊 I say, enjoy mo lang po

Yesyes mi. Hanggang second trimester. As in wala ko gana kumain kase yung taste buds ko is masama talaga parang may sakit. Then nubg nagthird trimester na sobra na takaw ko. From 39 naging 52 na timbang ko. Pero di ako tumaba tumakaw lang hahaha

1y ago

how's your baby naman po madam? OK naman po ba sya? kase ako nagwoworry ako sa baby ko payat payat ko na po kase.

yes po, same here🤰🤚.. pababa dn po timbang ko nung 1st tri., pero naun nako pataas napo ..pero nililimit kona po fuds ko naun para hnd maxado tumaba at bumigat..stay safe mi.. first time mom here..

Yes po,halos 42kgs ako nung 1st trie kase grabe morning sickness ko to the point na pati tubig isinusuka ko. Now na 2nd tri ako nasa 49kgs na. Pa-chevk up ka mii,para maresetahan ka ng gamot.

TapFluencer

ako nga po eh, bumaba timbang ko nung hndi ako preggy last timbang ko 65,ngayon 62 na 3months preggy ako, kasi naglilihi pa ako ,ang arte ko sa pagkain talaga .

yes mi ako from 39 to 32 nung 1st trimester dahil di talaga makakain suka ng suka pero nabawi naman ang timbang 2nd-3rd trimester 52 ako bago manganak

Same mii. Bmaba rin po timbang o 1st tri dhil phikan sa food at di makakain maayos pro pgtuntong po ng 2nd tri ko bglang dgdg ng 4kilos 😂😂