tiwala sa ob

May nabasa ako dito about sa trust sa ob, wala raw bang tiwala mga ibang nanay at kelangan pang itanong kung pwede ba to (pagkain at gamot) sa kanya o hindi,normal ba yung ganito o ganyan. Minsan siguro for assurance na lang. Gaya ko,lumipat ako ng ob kasi feeling ko di ko hiyang yung dati (or pwede ko ring sabihing naghanap ako ng mas magaling),same na premature mga anak ko,yung isa namatay pa sa loob ng tyan. At last may nakita akong ob,magaling daw,talagang babantayan nya kayong mag ina kaso hindi nya main clinic yung nasa pinupuntahan kong ospital kaya madalas ibang ob tumitingin sakin (sadly,once lang nya ko natignan at 1st trimester ko pa Lang nun,inadvice nya ko magpainject ng steroids,need daw bedrest Lang ako Basta mga ganung advice),sobrang layo din naman sakin nung main clinic nya pero sabi nya sya magpapaanak sakin. So ayun na nga every check up ko sa kasalitan nyang ob puro "OK naman" ang sagot sa mga lab ko,ultrasound at lahat hanggang sa maging 8 mos tyan ko na pinapauwi ako ng nanay ko samin at nakiusap na dun na Lang ako manganak kasi dalawa lang kami ng asawa ko sa bahay,ayokong mag alala pa nanay ko Kaya umuwi ako,sumakit tyan ko dahil siguro sa byahe check up sa ob kung san nagpatingin ako nung 2 mos pa lang tyan ko,paranoid ako nun eh pinacheck ko lang kung ok si baby (umuwi ako nun para ipaalam sa parents ko na buntis ako). Nagkataong wala ob Na Yun kaya nirefer muna ako sa iba,ang Sabi premature labor daw at sobrang liit ni baby,binigyan ako ng pampakapit ulit,after 2 days bumalik na ko sa ob kung kanino ako nagpatingin nung 2 mos pa Lang tyan ko,confirmed maliit nga si baby (pinaultrasound nya ko) at open na outer cervix ko kaya need ako iadmit. Nakakadisappoint lang yung ob Na nagsabi na ok lang lahat samin ni baby Yun pala may problema na,ginawa ng ob ko samin pinakain ako nang pinakain ng ice cream at chocolates since normal naman sugar ko,gang sa naabot namin normal na weight ng baby. Nanganak ako sa tamang buwan at 2.7 kgs si baby kaya sobrang pasalamat ko after ko manganak sa ob na talagang nag alaga samin ni baby.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis! Minsan kasi kahit professional pa mga ob's di natin sila ma judge kung magaling ba talaga o hindi kapag hindi natin mismo nasubukan service nila. Sa case mo sis nakakalungkot na hindi efficient yung o.b na tumingin sayo na nagsabi na okay kayo mag-ina. Feel kita sis, may gut feeling kasi tayo kung may genuine care or concern ang ob sa atin lalo na pag magpaalaga tayo habang buntis. Blessing in disguise ang pagpauwi sa inyo mag-ina ng mama mo May reason talaga lahat ng bagay kung bakit nangyayari at yung dahilan was para mas matignan tunay na lagay ni baby ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
5y ago

Importante now sis, healthy si baby mo at walang masamang nangyari sa kanya and sayo din. God bless~โ™กโ™กโ™ก