Normal po ba ang walang swelling or pamamaga sa paa habang nasa 3rd trimester na?

Nababahala po kasi ako... Kasi sabi ng kapitbahay ko delikado daw po pag bubuntis ko kasi di daw ako namamaga or nag seswell ang mga paa at kamay... Kasi sa 1st baby ko nag karon po ako ng pamamamga sa paa pero okay lang naman kami ni LO... Ngayon sinasabihan ako ng mga nakakatada na delikado daw po pag bubuntis ko kasi di ako namaga... #respect_post #advicemommies #advicepls #pleasehelp #preeclampsia

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Signs po kasi na pwede kang magka-preeclampsia ang pagmamanas kaya nila nasasabi na delikado. As much as possible ay dapat maiwasan iyan kaya lakad-lakad ka po or itaas mo yung mga binti mo kapag nakahiga ka. Ganiyan po kasi nangyari sa akin noong nanganak ako. Nagmanas ako sa 3rd tri tapos nag-150 ang bp ko habang nagli-labor. Tinurukan po ako ng magnesium. As to hindi ka naman nagmamanas, paanong naging delikado iyon? 😅 OK nga po kasi ibig sabihin maayos ang pagbubuntis mo. Sa OB ka po maniwala kasi sila ang may aral at nakakita na talaga ng nanganak nang makailang ulit. Ang matatanda po kadalasan sa payo nila ay base sa sabi ni ganito, karanasan ni ganoon, nangyari sa pinsan ng kapatid ng kumpare ng bayaw ni Ma'am. 😅

Magbasa pa
1y ago

Kapag po nakahiga ka, taas mo yung mga paa mo sa dingding. As in yung para ka nang letter L.