Normal po ba ang walang swelling or pamamaga sa paa habang nasa 3rd trimester na?
Nababahala po kasi ako... Kasi sabi ng kapitbahay ko delikado daw po pag bubuntis ko kasi di daw ako namamaga or nag seswell ang mga paa at kamay... Kasi sa 1st baby ko nag karon po ako ng pamamamga sa paa pero okay lang naman kami ni LO... Ngayon sinasabihan ako ng mga nakakatada na delikado daw po pag bubuntis ko kasi di ako namaga... #respect_post #advicemommies #advicepls #pleasehelp #preeclampsia
Signs po kasi na pwede kang magka-preeclampsia ang pagmamanas kaya nila nasasabi na delikado. As much as possible ay dapat maiwasan iyan kaya lakad-lakad ka po or itaas mo yung mga binti mo kapag nakahiga ka. Ganiyan po kasi nangyari sa akin noong nanganak ako. Nagmanas ako sa 3rd tri tapos nag-150 ang bp ko habang nagli-labor. Tinurukan po ako ng magnesium. As to hindi ka naman nagmamanas, paanong naging delikado iyon? ๐ OK nga po kasi ibig sabihin maayos ang pagbubuntis mo. Sa OB ka po maniwala kasi sila ang may aral at nakakita na talaga ng nanganak nang makailang ulit. Ang matatanda po kadalasan sa payo nila ay base sa sabi ni ganito, karanasan ni ganoon, nangyari sa pinsan ng kapatid ng kumpare ng bayaw ni Ma'am. ๐
Magbasa paMomsh kung OB yang kapitbahay mo na yan , pwede pa siya paniwalaan. Wag ka magoverthink mi, hanggat wala ka naman nararamdaman na something wrong sayo, wag mo na hanapan ng mali. Please. wag ka po magoverthink nasa 3rd trimester ka na, soon to pop kana, focus on your health na po na control mo and listen to your OB. Have a healthy pregnancy and safe delivery. ๐
Magbasa panaku mie mas nakakatakot po pag namamanas ang buntis ibig sabihin may maaaring highblood or may iba pang health condition na kailangng tingnan ng doctor, ako 32 weeks d rin namamanas kasi lagi akong nakilos,nag lalakad at umiiwas na laging naka upo, wag kang makinig sa kanila s doctor kalang makinig.
Magbasa panako mhie mas nakakatakot po ung namamaga or manas ka ibig sabhin my problema ka na need matignan ng doctor.
Mi wag ka nagppaniwala sa kapitbahay mo hahaha! Ako nagbuntis hanggang sa nanganak never ako nag manas. Lalo kung maaga pa, hindi magandang sign ang pagmamanas. Nagmamanas lang ung iba pag talagang manganganak na. Gigil yang kapitbahay mo hahahaha
naiinis ako sa mga ganyang klase ng tao na daming sinasabi sa mga buntis. nakakadagdag lang ng stress ๐ mas delikado po ang pamamanas. might be an early sign of preeclampsia. di na ako naniniwala sa mga kasabihan ng matatanda. mas maganda po talk to your ob
Hanap na po kayo ng bagong kapitbahay ung hindi kayo iniistress sa pagiisip :) hahaha joke. The more na walang manas, the better mi.. that means you are doing great taking care of yourself. :) stay positive mi.. iwas sa mga nega lalo ngayong buntis ka po :)
Di yan totoo nasa katawan yan iba iba tayo ng katawan .. Sa 1st baby ko din walang pamamaga sa kahit anung part ng katawan ko lalo na sa paa kahit pa di ako masyado gumagawa .. Siguro ng ay nasa sistema na sya ng katawan ko
hnd po totoo yun. I think mas matakot Ka pag namamanas Ka. 34weeks Nako chubby ako mi Ang timbang ko pumalo na Ng 87kg pero hnd ako namanas , sguro dahil nadin sa kumikilos ako hnd lng ako nakahiga at nakaupo maghapon .
ako nga natutuwa kasi di ko nararanasan mamanas ngaun ang paa, nasa 3rd trimester na rin ako. sa 1st baby ko namanas talaga ako nun but now hindi. Kaya ok na ok kung di nakakaranas ng pamamanas.
kaloka naman. HAHAHA. SANA ALL hindi namamanas ang paa. ako nga mid 2nd trimester, lumubo na ang paa ko kasi WFH yung work ko. tuwing out ko, taas paa talaga agad kasi parang sasabog na.
Domestic diva of 1 curious superhero