Worried na po kase ako . 😔

Na woworried na po kase ako !! Pag buntis ba dapat sumasaket ang suso ?, Meron po ba dito buntis pero hindi sumaket suso ? and wala ko masyadong na fefeel na sintomas ng buntis? normal lang po ba yun ? antukin lang po. Nag pa trans v na po ako . 4-5weeks po yung GS and yolk sac lang po nakita, possible po ba na maging blighted ovum ?? worried lang po ko kase napapanuod ko sa youtube kapag wala or nawala ang sintomas baka daw Blighted ovum ? pero wag naman sana , first baby po namen to . 6weeks pregy po ako , after 2weeks pa kase next check up ko , thankss sa makakasagot #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy #pleasehelp #pleasehelp

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Magkakaron ka momshie ng slight bleeding or abdominal cramps then eventually miscarriage kapag blighted ovum. makikita naman sa utz mo na empty ung GS. Para may peace of mind ka pakuha ka ulit ng utz sa obgyn mo or hintayin mo next sched ng utz mo and ilista mona lahat ng mga questions mo pati do’s and dont’s of pregnancy. Just in case blighted ung ovum.... it kust means to say na may chromosomal aberration kaya di natutuloy magdevelop which is much better kesa isilang ang bata na may kulang ang parte ng katawan. Ung pagiging antukin isang senyales na normal pinagdadaanan mo momshie..... swerte ka kung dika nakakaranas ng irritabilities or kakaiba sa katawan mo momshie..... meron namang ganun.... iba iba kase ang mga nanay pagdating sa pagbubuntis or paglilihi

Magbasa pa

iba iba sign ng pregnancy, you might not have all of them, that's fine. as for breast soreness nawala yung akin within a week or so sa first trimester. follow your ob's instructions and avoid stress. yung convinced ka na blighted ovum dahil sa mga napapanood mo, it's called confirmation bias in psychology. Avoid watching those videos na kasi nasstress ka. Won't do you any good po.

Magbasa pa

Wala akong naramdamang sintomas na buntis ako hanggang nung nag PT na ako and nag pa check up sa OB ko doon ko nalaman na mag 12 weeks pregnant na pala ako hehe. And sumasakit po yung breast ko and puson nung nalaman kong preggy ako.

meron tlagang ibang buntis sis na di agad nakakaranas agad ng symptoms. relax ka lang. iba iba din kasi nararamdaman ng bawat buntis. 2 weeks balik mo kasi dun pa machecheck heartbeat at makikita si baby

VIP Member

dont stress yourself po :) ganun rin ako nung 1st check up ko. naprapraning kasi what if ganito, what if ganyan. especially na GS palang nakita sakin nun. pray ka lang po and think positive

wag po kayo mapraning hehe after po ng check up nyo at malaman nyo na okay si baby mapapanatag din po kayo. 😊 ganyan din po ako nung 1st trimester kung ano ano ang naiisip ko.

wag masyado ma stress mommy. 6weeks first trans v, yolk sac lang nakita. umulit ako after 2 weeks, ayun kita na si baby. minsa di pa nakikita si baby sa sobrang liit pa niya.

Hello Mommy! Kumusta po? Yes po normal lang na may soreness sa breast during the first few weeks pero mawawala naman later on. 🥰

pananakit lang ng suso symptoms ko talaga nung tumuntong ng 3months dun lang ako na duwal duwal or malala susuka talaga ako

natural po yan kase ganyan din ako noon 1st symptoms ko yan pananakit ng suso. 😊