Help naman mga mommy please, may ubo at sipon ako po ako, parang sobrang dami kong plema
Na hindi mailabas, tsaka sinisipon ako. Currently 6months po. Natatakot ako baka maapektuhan si baby neto, any suggestions po ano pwedeng gawin mawala itong ubo at sipon 🙏. Sa pagbabahing din, parang nahirapan ako kasi malakas at nag eexcert ng force yung tummy ko.

Last week po mamsh, ganyan din ako. 24 weeks po ako, nahawa sa isang anak ko. Nagsimula symptoms ko ng Friday, medyo may something sa lalamunan. Weekend, unang lumabas sipon tapos blocked nose, then Monday ubo naman. Napapraning na ako, nagpa check up ako sa company doctor, pinag RT PCR to be sure. Thankfully, negative naman. Nag water therapy (room temp or luke warm), hot calamansi, salabat at lemon water. Lots of fruits and veggies, nag ok si doc (ob) na mag sodium ascorbate pa ako bukod sa multi vitamins to help. Inadvise ako na pwede mag Lagundi, pero d ako uminom. Talagang pahinga po ginawa ko, madalas nagtutulog at inom/ kain ng healthy lalo na citrus fruits. Natakot din po ako kasi ung dry cough ko, hanggang singit ramdam ko ung pressure kapag bumibirit ng ubo. Thankfully, after 1 week nawala. Rest ka po, mommy. Magiging ok din kayo ni baby.
Magbasa pa