47 Replies

hi mommy . my dad is a captain of the ship. lunaki ako ng most of the time as barko sya. ang laging sinasabi ng nanay ko si tatay mo nasakay ng barko para mabigyan nya tayo nf magandang future. kase ang bata matanung talaga yan.pero ang mta bata ngaun mabilis makaunawa naman. sa proper explanation nalang. o kaya bago umalis ang asawa mo sabihin mo concern mo tapos tulungan ka nya mag explain sa anak. iba talaga kapag ang tatay ay isang seaman or ofw. I explain mo lang maayos mommy. kpag may time or signal sabihin mo sa aswa mo tawag sya or face time kayo para makita namn kahit papaano ng anak mo.maswerte na nga ngaun marami ng ways of communication. kami nung time ko looking forward ako kapag bababa ng barko ang tatay ko.

true mommy ganun nga gawin nya madali na maka intindi mga bata ngayon saka dapat talaga dalawa kayo magpapaliwanag sa bata

Seaman's wife dn po ako 😊 nagstart sya umalis 2 yrs old pa lng baby girl namen, ngayon 7 yrs old na sya, and ayon mas love nya si Dada nya kesa saken haha, advice ko Momsh lagi mo iparamdam sa baby mo na love na love sya ng dad nya and halos lahat ng binibili ko sa baby ko sinasabe ko from daddy nya yon, everytime na umaalis si hubby, like ngayon june 22 kakaalis lang nya, ayaw nnman sya paalisin ng anak namen pero nkukuha nman sa mabuting usapan 😊 problema ko i'm 5months pregnant, pag uwi nya 4 months na siguro ang baby number 2 namen paano ko ipapakilala hehe usapan namin everyday videocall pra marecognize ng baby 😂 pero momsh 9mos lng si hubby sa barko, pnkamatagal na 10-12 mos siguro.. Bkit sayo ang tagal?

Noong bata ako, lagi din wala ang dad ko dahil sa trabaho. Ang laging sabi ng mom ko, need ni dad magtrabaho para he can provide the needs of our family like food, tuition fees, clothes etc. Sinasabi din ng mom ko na mahirap daw doon sa malayo kasi malungkot pero kaya nagtatrabaho pa din si dad doon kasi mahal niya kami at gusto niya kami magkaroon ng maayos na pamumuhay. If ever hanapin man niya daddy niya, maybe you can explain to him na you will have a video call with daddy on this date etc. For the meantime, ipagpepray niyo muna si daddy kasi nasa work pa siya.

just be honest. you just have to tell them repeatedly why, and remind them everyday that even though the dad is far away he loves him. sa part naman ng husband mo he has to make the effort to reach out to your son, video calls when he can, alam kong hindi na uso dahil may email na pero written letters na pwedeng basahin niyo together ng anak mo would help din. :) bottomline it's both you and your husband who needs to find ways to make your kid loved. magegets nila yan. hindi kailangan ipaintindi yung kayang iparamdam :)😍

my husband is also working abroad..nsa pg eexplain yn momsh..bigay mu sknila/sknya consequences kung d mg work ang daddy/papa nia..at bakit sya nasa malayo..sken sinasabi ko sa mga ank ko yung maliit n bagy na example may mgnda kang damit may masarp kang pagkaen may maayus na tirahn dahil yan sa pg tratrabaho ni daddy..d nmn n mahirap ngaun kmi mg aswa everyday ng vivideocall minsan twice a day pa..mauunawaan din nia yn pg mag kaisip na

Just always talk to him and always include your husband every time so your son will still learn to appreciate what his dad does for him kahit nasa malayo sya. Let your son feel that his dad is still part of your daily lives though you're apart. Good thing we have great technology these days. Let them catch up na lang as much as possible and always remind him that his dad is working so hard for him and uuwi naman ulit and dad nya.

Maximum of 11-12 months lng po ang contract ng mga seaman mam(extended na po yun). Mag exceed po dun di n po yun pwede. Regardless of your husband's contract, matagal rin syang di makikita ng growing son nyo po so better na explain sa kanya habang maliit pa and para din sa future nya yung sacrifices ng dad nya. And also may internet na rin po. Keep in touch lng po kayo sa dad nya thru VC. 😊

Like sa family ng uncle ko. He has been working overseas since babies pa cousins ko so they grew up na bihira lang talaga mkita daddy nila. The mom was so responsible enough in taking the place of the dad pero at the same time, hindi nakakalimutan ng mga anak ang tatay nila. Now, napetition na sila lahat and as if nothing has changed sa relationship nila as father and children.

Ofw yung pinsan ko, taon din kung umuwi sya. Ang sinasabi nya sa mga anak nila ay kailangan mag trabaho ng mama nila para may pang tuition, pangkain, pang bayad sa bahay at higit sa lahat ay may pang bili ng gusto nila. Pero we make sure na nagkakausap sa Skype kaming pamilya pag dayoff ng asawa nya ng sa ganon ay hindi masyadong malungkot ang mga anak nila.

VIP Member

sis anong ship hubby mo? hubby ko din seaman pero tagal ng 2yrs sis, hubby ko 7months lang, NextMonth uwi nya. royal Caribbean ang ship ni hubby ko, Crew admin sya. sabihin mo nalang sis ky baby na need ni papa nya na umalis para sa kinabukasan nya, nag wowork lang kamo si papa nya para sa inyo, tsaka sis may wifi naman sila dun pwedi kayo mag videocall.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles