HIRAP PATULUGIN NI BABY 😢

Hi. My Daughter turned 1 year old last August 2. My problem is ang hirap nyang patulugin sa gabi. As of now, twice sya nagna-nap within the day. Naglabo labo na ang routine namin kasi lagi syang may energy. Lagi nale-late ang nap nya, hanggang sa umabot na na ang last nap nya is 6:30-8pm tapos 1am ang sleep nya sa gabi. Gusto lang nya mag-play makipagkulitan, lalo na ngayong nakakalakad na sya. Di naman sya fussy, pero ako ung nakakaramdam ng pagod kasi I am a fulltime mom, kailangan kong gumising maaga para sa mga gawaing bahay. What should I do? I am thinking na once na lang sya mag nap. Exhausted Momma here 😢

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyan din po dati baby ko. ngayon po mag 1 na sya may routine na kami hinuhugasan ko po sya sa gabi para mapreskuhan sya nakakatulog po sya agad. nakaka 1 nap na lang din sya sa buong araw after lunch. mas maganda po mag set kayo ng routine para masanay katawan nya then mag dim light kayo pag patulog na sa gabi po para alam nya pagkakaiba ng gabi sa umaga

Magbasa pa

may nap din ang baby ko ng 6:30 or 7pm... pero sa gabi, after wash, i let him play while im doing and finishing my mom chores at sa mga needs kinabukasan. my baby still sleeps around 9 or 9:30pm. late na yung 10pm hanggang kinabukasan na yun ng umaga.

ang baby ko nga po mula ng july 22 nag one year old sya hnd na sya na22log sa gabe sa umaga na.... kaya gicng kaming dalawa sa gabe tapos 2log nmn kame sa umaga hangang hapon... ang bibo nya kc at kulit hnd napapagod kakalaro😔

Yes mommy, once mo na lang po patulugin si baby mo. Pwede na yung after lunch, nap time nya. Then sa gabi sanayin mo po ng 9:30 pm nasa bed na po para alam nyang bed time na.

VIP Member

Ganyan na ganyan baby ko nung nag 1 yr old. Ginawa ko na lang 1 nap nya after lunch para maaga makatulog sa gabi.