MY BABY, MY LOVE

Musta na kaya si baby ko sa tummy currently 17 weeks pregnant di pa po ako umiinom ng mga nirereseta ng doctor and di pa po nakakapag pa ultrasound, dahil wala po akong pera at estudyante lang po ako 19 years old. Sobrang sakit ayaw kong mawala si baby ko pero bakit pinag kakait na sa akin ng diyos ito. Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit ayaw kong mawala to pinipili ko parin kapakanan ng pamilya ko kahit ang kapalit nito ang buhay ng anak ko. Ang sakit sakit di ako makapili kahit alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko ang baby ko gusto ko pa nga makita heart beat ng baby ko. Di ko mapapatawad sarili ko dahil sa magagawa kong kasalanan. Di ko na alam gagawin ko gulong gulo na ako. Mahal na mahal kita anak. Kahit di ka pa malaki gusto pa kitang mabuhat mahalikan mayakap maalagaan pero bakit pinag kakait na sakin ito. Ayaw kitang ipalaglag pero bakit si lord na mismo gumagawa ng way para mawalay ka sakin. Alam niya hirap ng buhay ko di ko na alam gagawin ko po. Sana matulungan niyo po kami ng baby ko na malagpasan po to. At kung sakaling mawala ang baby ko susunod po ako sa kanya dahil ayaw kong mag isa siya.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis try mo magpacheckup sa center ksama ang bf mo, may heartbeat na ang baby mo pag nadinig nyo ang heartbeat nya siguradong magbabago isip nyong dalawa. Kahit ikaw bilang ina mararamdaman mo ang kagustuhan na ituloy sya. Wag mong gawin dahilan ang hirap ng buhay. Kahit nga un mga namamalimos nkakayang buhayin ang anak nila eh. Ikaw pa kaya bata pa kayo at malakas ang pangangatawan, same age tayo ng mabuntis ako s panganay ko, naisipan ko din ipalaglag, bmli pa nga kmi ng gamot ng mr ko para ilaglag, pero si lord na din gumawa ng way para d ko ituloy ang pagpapalaglag, nakita ng nanay ko un gamot sa bag ko dun na nalaman na buntis ako at sa una lang naman nagalit pro tinanggap padin nila ako, at sinuportahan. Ngaun tatlo na ang anak ko at teenager na ang panganay ko na kundi dahil kay lord baka hindi ko din sya nakitang lumalaki.. 🙏

Magbasa pa

Wag ka po mawawalan ng pag asa, unang una wag mo isipin na si lord ang gumagawa ng way para mawalay sayo ang baby mo kasi unang una siya ang may bigay sayo nan kasi blessing yan. Naiintindihan ko yung sitwasyon mo dahil pareho tayo ng sitwasyon, ako 20 years old at 7 weeks pregnant ako, hindi ko pa din nasasabi sa parents ko na pregnant ako, pero nilalakasan ko ang loob ko para kay baby. Madami namang libreng gamot sa center o kaya naman manghiram ka muna sa mga kaibigan mo. I'm sure maiintindihan ka nila. Tiwala lang malalampasan mo yan, sana ako makaya ko din tong suliranin na binigay ni Lord saamin. Maswerte ka pa din kasi pinanagutan ka naman ata ng partner mo? Yung iba kasi mas masakit gawa hindi sila pinanagutan. Yung lang, always pray and mag pakalakas ka. God is with you 😊

Magbasa pa

Lakas ata topak neto, ganda bigayan sainyo???? 19 din ako nabuntis, walang kasiguraduhan sa mangyayare non lalo na hirap sabihin sa magulang, pero Hindi ko matatago yung bata dahil lumalaki sa tyan ko. Ginawa ko sinabi ko sa magulang ko, tinanggap ang mga pagalit nila, humingi ng tawad at pinanindigan ang anak. 7 years old na sya ngayon. At mahal na mahal ng mga tao sa paligid nya. May mga taong tutulong kung hindi mo itatago yan. Wag kang bobo na sasabihin pinagkait sayo, e ikaw mismo at jowa mong hangal ang gusto mawala yan. Wag kang puro drama inday, gawan mo ng solusyon at panindigan mo kung totoong sinasabi mo na mahal mo yang anak mo at di mo kaya magpalaglag. Leche.

Magbasa pa
VIP Member

Ineng meron tayo health center libre lang pakonsulta at mga vitamins don meron din silang doopler para marinig mo heartbeat ni baby. Meron din sila binibigay Philhealth wala ka na babayaran kasi sa indigent yun zero balance billing. Sa mga gamit naman kahit yung mga bigay bigay lang. Sa ultrasound kahit 7months ka na pa ultrasound para makita gender ni baby na din hindi naman need na sa mamahalin ob at buwan buwan na ultrasound basta healthy kayo pareho ni baby. Wag ka mag alala malalampasan mo din yan kaya mo yan. Wag mo na palaglag ang anak mo please. At next time think wisely before makipag sex ha.

Magbasa pa

Hindi ang Dyos ang may gusto o gumagawa ng paraan para mawala ang baby mo sayo, kundi kayo. Kayo ng bf mo! Wag mong sabihing mahal mo ang baby mo kung magagawa mo nman siyang patayin. Walang nagmamahal ng ganyan! Dahil una sa lahat, katawan mo yan at walang ibang pweding magdidikta ng kung ano ang dapat mong gawin kundi ikaw lang, tandaan mo, IKAW LANG! Hindi ang bf mo, hindi ang edad mo, hindi ang nga magulang mo kundi ikaw lang! Wag kang maghugas kamay DAHIL KUNG TALAGANG MAHAL MO YANG BABY MO SA LOOB NG TIYAN MO, HINDI MO GAGAWIN ANG PINAPAGAWA SAYO NG BF MO!

Magbasa pa
5y ago

Yes nakakanginig ng laman ang pinagsasabi nya. Di ako naawa sa kanya sa baby ako naawa.

VIP Member

Hindi porket wala kang pera e mawawala na baby mo.Pwede ka naman sa health center mag pa checkup libre din ang vitamines doon tulad ng ferrous.Saka binigay na yan ng Panginoon sa iyo.Nasa sa iyo lang kung paano mo siya aalagaan sa sinapupunan mo.Bakit yung iba pulubi?naiaanak nila ng ayos ang baby.Ikaw pa kaya at huwag mo sisihin ang Panginoon dahil ikaw mismo ang na gawa ng desisyon mo sa sarili mo.Gabay lang ang Panginoon.

Magbasa pa
VIP Member

Hi. Sis punta ka sa center libre check up doon and vitamins. Keep the baby! 17 weeks kana oh. Tell your family about that, accept the fact that in beginning magagalit sila sayo but for sure matatanggap nila kalagayan mo because anak ka nila and may soon to be apo sila. Si Lord di niya gagawin yang nilalayo niya anak mo sayo, He's just making you more strong para sa kinahaharap mo. Keep the faith! Kaya mo yan!

Magbasa pa
VIP Member

Be strong bunso. Punta ka sa center my libreng check up dun and libreng gamot walang bayad.Blessing ang baby tandaan mo yan.Kain k lng ng healthy foods basta iwas lng sa bisyo kung meron man and wag n wag mong ipapalaglag yan. Meron nga akong kakilala 15yrs old nung nabuntis same situation sayo pero d sumuko. ngayon happy naman sya and nagsisipag sa buhay para sa baby.walang imposible.pray lng❤️

Magbasa pa
TapFluencer

Choice nyo po kung bubuhayin nyo yung bata o hindi isisi mo pa kay God kung bakit mamatay yang baby mo eh sa umpisa palang ginusto nyo yan. Ako 20 lang din ako nabuntis te takot din ako pero pinanindigan ko di ko sinisi sa iba kasi nung nakipagsex ka ba desisyon ng iba yun. Natural lang na magalit magulang mo ganun din magulang ko pero tinanggap nila kasi dugo at laman din nila to

Magbasa pa
VIP Member

sis, may mga babae n gusto magkaanak pero d binibigyan. may dahilan kung bakit sau yan bngay. marahil may special sau kaya k pinagkalooban ng supling. yang pag aalala mo katunayan yan n magiging mabuti kng ina kaya lakasan m ang loob mo at kayanin ang pagsubok. pinagdaanan q dn yan n walang wala pero s awa ng panginoon xa dn ang mgbbgay sau ,magtiwala k lng.

Magbasa pa