hidden pregnancy

Today i was 5 months pregnant, at hanggang ngayon tinatago ko pa din sa family ko ang pag bubuntis ko. 19 years old lang ako. At ayaw talagang buhayin ng tatay nito ang batang dinadala ko. Sobrang hirap, nag tratrabaho din ako kahit pang pa check up ko lang. Online tutor 3-11 pm ang working hours ko and nag stop muna ko para mag pahinga. Hindi din alam ng boss ko na buntis ako. Nahihirapan ako sa pag iisip dahil gusto talaga niyang tanggalin tong batang to, kaso ayoko kasi may buhay na, tao na to. Pero desidido syang ipalaglag to "gagawin ko lahat matanggal lang yan" buti na aatim pa niyang sabihin yan, nasasaktan ako kung bat siya ganyan alam ko naman di siya ready alam ko naman na marami pa siyang gustong gawin pero bakit kailangan pa niyang tanggalin to. Ansakkt sakit ng gantong buhay. Gusto ko buhayin to gusto ko siya maalagaan. Wala akong makapitan dahil hindi ko pa nasasabi sa magulang ko. Tatakot ako baka di healthy anak ko, pero sana healthy siya at malakas. Mahal na mahal ko anak ko sobra sobra. Di pa ganun kalaki ang tiyan ko para lang bilbil buti na lang mataba ako. Kaya di ganun kahalata. Mag isa ko kinikimkim tong problema na to. Natatakot ako ng sobra. Tatakot akong mawala ang anak ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hiwalayan mo na siya sis kasi baka sa stress pa ang maging dahilan na hindi maging healthy ang baby. Ganyab din ako nun, actually 7 months na ako nung sinabi ko sa magulang ko. Kung ako sayo, sabihin mo na habang maaga pa, expect mo na magagalit sila sa una pero tutulungan ka nila lalo na't magulang mo sila. Wag ka magpakastress masyado sis, kayang kaya mo yan..

Magbasa pa