NO HEARTBEAT AT 7WEEKS, SHOWING 5WEEKS ON ULTRASOUND
HI MUMS, NAWA MATULUNGAN NYO KO AND MA-SHARE NYO EXPERIENCE NYO, I WOULD APPRECIATE IT. FIRST TIME MOM PO AKO AND KANINA ANG FIRST PRENATAL CHECK UP KO. NO HEARTBEAT SI BABY AT 7WEEKS, BUT ON ULTRASOUND IT SAYS ITS JUST 5WEEKS. EMPTY DAW ANG GESTATIONAL SAC AND NIRESETAHAN AKO NG HERAGEST PAMPAKAPIT DAW. MAY SAME EXPERIENCE NA PO BA DITO? AND MAY I KNOW WHAT HAPPEN? MAY CHANCE PO BA MABUO SI BABY AT MAGKA HEARTBEAT AFTER TAKING THE HERAGEST?
yes mi ganyan saken dati. 1st tvs ko no embryo, gs lang talaga. after 2 weeks of bedrest at duphaston 3x a day pagkabalik ko nakita na agad baby ko. ngayon eto naianak ko na 🥰 pray lang momsh. wag magpakastress kasi bawal na bawal yan. eat healthy at bedrest as much as possible.
ako po unang trans v sakin no heart beat and no embryo po tapos sabi 8weeks and 5days na po ako tapos po after 5days nag pa trans v po ako ulit sa Hospitalnaman para po maayos yun po nakita na yung baby 5weeks and 6days palang po sya that time ngayon po 21 weeks na sya baby girl
Pwd pong too early pregnancy po tan skin po kase gnyan wala nkita n baby cysts lng nkita kaya daw baka nag positive s PT pero pina ult uli ung transv after 2 weeks ayun nkita n c baby 7weeks n sya my heart beat na. Wag pa stress sis more prayers lng at inom vitamins
yes. ganyan din ako. 5 weeks daw. nung una no heart beat. di nga don kita si baby. pero may yolk sac lang. then after 2 weeks, progesterone pinainom sakin twice a day. nagpakita na and may heart beat na after 2 weeks. ngayon 24 months na ako and counting.
ako nga sis,base sa lmp ko 9weeks na ako buntis,pero nung ngpa ultrasound ako saktong 4 weeks lng ako tapos gestational sac pa din lang nkita ni ob,kaya babalik ako after 3 weeks, usually kc nkikita heart beat ni baby around 7 weeks
masyado po early pa ang 5 weeks na gestation age para makita yung hb ni baby. usually nasa 7 to 9 weeks dapat ang gestation age ni baby para makita yung viability ng pregnancy. sundin niyo lang po yung sabi ng OB.
8weeks mi may heartbeat na yan.. sakin nag kamali dn ng counting 6weeks nag utz ko mahina pa heartbeat ni bb pnabalik ako after 10days para ma scan ulit.. pag balik ko okay na heartbeat ni bb
Early Pregnancy pa mih, balik ka pag 8weeks. Basta inumin mo nireseta sayong mga vitamins at bedrest din po muna iwas ka masyado sa pagkikilos at stress 🥰 Congrats mi.
Baka nasa 5weeks palang talaga mii ako kasi dati nagpa TransV ako 5weeks lang sya wala din HB pinabalik ako after 2weeks saka lang nagkaron
mi okay lang yan kung 5weeks pa lang super aga pa ganyann din ako non hehehe pahinga ka lang wag kana muna magkililos alagaan mo sarili mo