Di patulugin???

Hello mummies.. Tama ba na hindi daw matulugin c bby pag hapon?.. Para daw mahimbing yung pag tulog niya sa gabi?.. Paano ba yun?.. Wla ng rest baby ko nun dba?.. Haist.. Any advice po.. Gumigising kasi baby ko hating gabi.. Ewan k kng bakit.. Gusto niya lang mag laro.. Sabi naman ng mga MIL ko wag daw patulugin sa hapon pra mahimbing pag tulog niya sa gabi.. Prang ganun padin naman..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baby ko po sis 1yr & 6mos. May routine siya sa pagtulog. Matutulog siya sa morning ng 10Am to 12nn minsan lagpas. Sa hapon naman minsan 3:30Pm to 5Pm. Ayun nakakasanayan naman niya. May mga pagkakataon naman na di na siya natutulog ng hapon pero maaga siya matulog sa gabi. Para di siya magising sa gabi sinanay po namin sa madilim. Magigising at magigising siya kapag ilaw kami. Para din alam niya yung pagkakaiba ng umaga at gabi ☺️

Magbasa pa