Coincidence nga ba?
Hi. Mukhang need ko ang cheer up, pampathink ng positive sa mga kapwa mommies ko dyan. Ganito po kasi yon, actually kahapon lang nagstart mag'isip ng ganito. Feeling ko malas ako magbuntis. Bakit? Kase po nung pinagbubuntis ko 2nd ko yr 2018 (with 2nd husband), nagsimula ng magkandaleche leche sa bahay (province) yung lolo ko, nagkasakit, nanghina hanggang sa mahospital. Year 2019 pumanaw lolo ko π ang sakit dahil hindi ko man lang sya nasilayan dahil baka kapag nagbyabe ako eh manganak ako sa byahe (kabwanan ko na) Tapos ngayon yr 2021, eto na naman. Sa lola ko. hindi na makakilala, hindi na alam ang ginagawa, hindi ko masasabing symptoms ng Alzheimer dahil di ako doktor para magsabi non, hanggang sa ngayong gabi, nanghihina daw sya sabi ng mga kapatid ko. Dati kapag nakikita nya etong 2yrs old ko, tuwang tuwa sya, pero kanina hindi nya kinausap. Hindi nya makilala. Naiiyak ako hanggang sa hindi ko napigilan mag'isip na malas yata ako magbuntis π