Attitude Problem ni Hubby
As much as possible ayoko talaga nagshishare ng mga negativity lalo na pag tungkol saming magasawa at pinagdadaanan, laging "okay po kami" "mabuti po kami" ang sagot kahit yung totoo araw araw kaming may pinagaawayan. Yes, araw araw as in walang araw na di kami magkakatampuhan. Okay naman kasi si hubby, walang bisyo, masipag sa trabaho, pero yun lang may attitude problem. Kulang sya sa understanding at mabilis sya mainis, sobrang liit na bagay lang napapalaki nya katulad na lang pag nakalimutan kong i-on yung ilaw sa labas, may nakita syang sachet ng milo sa mesa, nalaglag yung ganito ganyan, lalo na yung di ko agad pagreact ng heart sa post nya sa fb. Nakakaloka pero totoong nagagalit sya. 7months na baby namin, full breastfeed sya saken at attached sya kaya di ako makagawa sa bahay pag gising sya. Nakakadepress din kasi wala naman akong kasama sa bahay pag nasa trabaho sya. I just want to vent this out, gusto ko nga umakyat sa bundok at isigaw lahat ng frustrations ko. Imperfect din ako, pero nalulungkot ako sa nangyayari saming magasawa, mahal naman namin ang isat isa pero bakit? Haysss.