A rare case
More that 1 month ko na pong pinagdadaanan ito . Since im 7 months preggy . Sabi ng ob ko , epulis daw tawag dto.which is part daw ng pregnancy .maliit lng po dati pero ngayon lumalaki po at madalas dumugo😭.. stress na stress na ako. Nahirapan na ako kumain, uminom at magsalita dahil nga nasa part lang ng labi. Sabi ng ob ko pag nakapanganak saka tanggalin. 😭 .pero ntatakot akong manganak na meron to dahil bka makagat ko at bka habang nag le labor at naire ako eh makagat ko for sure daming dugo nun.naaawa na ako sa sarili ko 😭.. meron po dto naka experience nito? Or alam kung ano ba tlga ito?? Natatakot na ako para sa amin ni baby . Dko na alam gagawin . Pag pray nio naman ako mga mamshies. Hirap na hirap n nga ako sa pagbubuntis ko meron pa to 😭😭. Nadedepress na ako sa totoo lang .. pangalawang post ko na po ito about dto pero walang nkakapansin. Sna dis time may makapnsin. Kahit encouragement lang po 😭


Ako din sis may warts ako around sa boobs ko left and right pa talaga😭 i told my OB about it sabi niya after manganak pa daw ako pwede magpatanggal kaya advice niya sa akin mag double dose ako ng vitamin C kasi daw may nga tumutubo sa atin mga buntis kasi humihina immune system natin. Worried nga ako kasi baka di pwede mag breastfeed pero sabi ng OB ko pwede pa din naman kasi hindi naman sa may nipples ko yung warts. Pero na depress din ako pero nilabanan ko para kay baby. Makakaraos din tayo sis. Kapit lang at pray lagi.
Magbasa pa

