6 Replies

Hi sis . Type 2 diabetic ako . Nalaman kong pregnant ako mga 7weeks na siya . Starting that day nag insulin na ko . I am now 30weeks and 5 days . 2 kinds insulin ko levemir 22 units pre breakfast and 22 pre dinner . Then humulin r for fast acting insulin every 30 mins bago kumain tag 7 units . Pag nag crave sa something sweet add ako 2 units na allow naman ni endo .. no fruits na sis kasi lahat ng fruits is nakakataas ng sugar specially no carbs ! Pero syempre minsan di mapigilan kaya okay lang tikim.tikim . Ndi din anmum ang gatas na iniinum ko .. glucerna chocolate pinapatake sakin ng ob at endo ko para lahat ng need na vitamins ni baby nakukuha ko din sa milk na un . Mas madame pa nga benefit nun kesa sa anmum and masarap medyo may kamahalan pero worth it dahil nkakatulong sa pagpapababa ng sugar !! 3rd pregnancy ko na to . At ito pa lang ng successful pregnancy ko .. Yung 1st and 2nd baby ko parehong namatay dahil sa ndi macontrol ang sugar ko lagi mataas :( kaya nawawalan nalang ng heartbeat bigla .. Yun ang isang factor pag mataas lgi ang sugar pede mawalan ng heartbeat si baby anytime or magkaroon ng complications . Kaya mas maganda controll talaga . Fbs dapat di tataas ng 100 .. 2hrs every after meal dapat ndi tataas ng 120 . Kaya mo yan mamsh ! Fight lang lagi mo nalang isipin para kay baby lahat ng ggawin mo . Gudluck and Godbless !!

Thank you momshi sa pag share ng experience mo. Malaking tulong to sa akin.

Hi momsh. Same tayo, 22 weeks na din si baby and before pa ko mabuntis is may type 2 DM na ko, so nagswitch na kami sa insulin ng Endo ko right after na malaman ko na preggy ako.. actually mas mataas nga ung dosage nung sakin, im taking 2 kinds of insulin.. im using mixtard which is long acting, 20 sa morning, 8 sa gabi plus before meals im taking apidra which is fast acting insulin, 8 units every meal (3times) so total is 52 units in a day.. so far, everything is normal kay baby everytime na magpapa ultrasound ako (monthly).. Im a bit worried kasi sabi ng endo and ng OB ko na kapag hindi controlled ang sugar, mas nakaka affect sa development ni baby.. and as per my OB, kapag diabetic ang mother, ang tendency is malaki si baby sa size nya.. so for now, im just praying na maging okay lahat and im looking forward para sa CAS ni baby.. Basta sundin nyo lang po ang Endo at ang OB..mas maganda kung magkakilala sila at same hospital nagwowork so they could plan better for you po (kasi ako po nagrequest ako sa Endo ko ng OB po na mrrefer nya based on my case).. Pray lang momsh.. kaya natin toh!❤

Kakayanin natin to para sa mga babies natin. 😊😊😊

Hi mumsh!Wala po akong GDM but I can share some information with you. Wala pong effect kay baby yung insulin. Kaya po kayo binibigyan to control your blood sugar. Pag mataas po yung blood sugar nyo kasi it could impair the delivery of nutrients and oxygen thru the placenta kaya dapat controlled. Plus yung high blood sugar po can cause fetal macrosemia or large baby which could affect your labor and delivery. Kaya usually they opt for C-section. For your diet naman mumsh, di naman po necessarily na bawasan yung kinakain. Proper diet po will help, like piliin nyo po whole foods, example brown rice, wheat bread, whole grain oats, plant based na milk (almond milk, soymilk), for protein po pwede fish, chicken, eggs, for source of iron lean meat, green veggies and beans/legumes and for fat sources pwede avocado, olive oil, nuts. Wag po kayo masyado ma stress kasi nakaka affect din yan po sa pancreas nyo ehich controls your insulin production sa katawan. Hopefully everything goes well with you and your baby.

Thank you sis 😘😘

taas ng units mo sis..diabetic din ako..pero kaya natin yan..huwag ka pastress sa blood sugar monitoring mo..ako di ko iniisip at di ako lagi nagtetest kasi sabi nila di naman ganun ka accurate glucometer..23weeks na ako..kumakain pa din naman ako fruits and mga kinecrave ko pgkain..pero di ganun kadalas..and un pgkain ko ng fruits apple dragon fruit and bananas lang..di lahat ng fruits kinakain ko lalo na mga may pulp nakakataas ng sugar..iwas lang din sa karne at matatabang foods..malalampasan natin yan

required din sakin sis mg monitor ng 1month pero minsan di ako nakakapagtest..ilan ba sugar level mo sa monitor mo?ako kasi mataas na un 172..pero naglalaro lang sa 130 pababa kada test ko minsan lang tumaas nun nag crave ako mga kakanin sis..

Ako sis ung 1st trimester ko pina check na ng Ob ko ung blood sugar ko kasi meron kami lahi diabetes, ung result nya is mataas. Tapos meron ako endo and nutritionist. Pero pinag controlled diet ako for two weeks so far na controllable naman ung sugar. And everyday ako sugar monitoring. Diet lang tlga kahit mahirap.

Pen parin sya sis kaso nirerefil ko lng sya ng cartirdge pag na ubos. Scilin 30mg ung brand nya sis. Tag 300 ung isang cartirdge sa clinic ko lng po binibili sis.

naka insulin ako maam..mangaganak na ako.kaya mo yan..

Yun nga po maam eh.. 😊

Trending na Tanong