Second chance? Or no chance?

Hi momshies and popshies, na-experience kong habulin ako ng live-in partner ko ng kutsilyo (habang hawak ko si baby) habang lasing sya. Nagsumbong ako sa kuya ko at sinundo nila kami ni baby at hinakot na lahat ng gamit sa apartment namin. Obviously hindi ko na sya dapat balikan pa. Pero ngayon nahihirapan akong mag-alaga kay 11month baby dahil WFH din ako. At walang maasahan sa family na magfocus kay baby dahil working din sila. Si ex live-in partner ay nag-ooffer na mag-alaga kay baby at sabi nya ay magbabago na daw sya (itutuloy ang pag-aaral na natigil dati, hindi na daw ulit mag-iinom, at mag-aapply ng matinong trabaho na daw). Natempt ako kasi super hirap makahanap ng mag-aalaga na mapagkakatiwalaan. Nagpost ako sa fb pero sabi ng nanay ko baka daw ma-scam kami. Nagtatanong kami sa mga kakilala kaso wala din silang mai-refer. Tanong ng boss ko sa work, "Saan ka ba naghahanap?" Eh ayoko sana i-give up yung work kasi medyo critical yung position ko sa company at hirap din ako maka-deliver ng work on time. Hayy magulo. Any suggestions? Thank you in advance.

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hanap k yaya n mag aalaga. or kamag anak n nag hahanap Ng work.. offeran mo n lng Ng maayos. 5k Ang minimum sa yaya Ngayon. Hindi mo n need balikan Yung dating partner mo.. Hindi sinasabi pagbabago mkikita mo nmn Kasi yun sa knya dapat nag hanap n sya ng work bago k Niya kinausap, and ilang buwan or taon n rin siyang Hindi umiinom.. Yung mga linyahan na Yun na magbabago etc etc. gasgas na Yun. yun din lagi sinasabi Ng tatay ko sa mga brgy. tanod at mama ko.. Hindi pa rin nman siya nag babago hanggng Ngayon. 😂 mind you hinabol Kmi nun ng palakol nung 5yrs old plang ako dahil sinundo ko sya sa inuman, tpos after Niya sabhin n mag babago n h.s namn Kmi hinabol nmn Kmi itak sa sobrang kalasingan. makikita mo nmn totoong nag bago Kasi d puro bibig saka Hindi ningas kugon(umpisa lng magaling)

Magbasa pa

i dont know where your common sense is or are you even thinking? both of yours and the baby's lives were already in danger when he ran after you with a knife and you are still considering his offer right now? sorry to say but you are selfish. you rather let him into your lives again just so someone can look after your baby over a career? being a GOOD parent has a lot of sacrifices. you need to know or learn how to manage your time between work and your baby.i think you are just making your baby and work as an excuse so you could go back with that guy.don't risk your baby's life,please!

Magbasa pa

A Big NO! Maghanap ka na lang ulit. May mga agency na pwede magsend ng yaya/katulong medyo mas expensive nga lang pero atleast well trained at may security ka kaysa naman diyan sa ex mo. Dimo lang alam kung anong owede niyang gawin sa anak niyo. Hire yaya from an agency, set-up CCTV sa bahay niyo. Medyo magastos pero mas secured na yan kaysa magtiwala ka pa ulit sa ex mong [reducted].

Magbasa pa

For me, mas ok nang mahirapan ako kesa ganyang klaseng tao mag alaga sa baby ko. Ikaw mismo maglalapit sa kamatayan nung anak mo pag binalikan mo yan. Risky na masyado yan. Mas uunahin m paba isipin yung trabaho kesa sa safety ng bata? Kung sa kasambahay naman mas safe pa pagnakawan ako ng kasambahay kesa habulin ako ng kutsilyo.

Magbasa pa

Huwag mo na balikan yung mokong na yun. Hayp siyang habulin kayo ka ng knife. Kung gusto niya talaga magbago, patunayan niya. Maghanap siya ng work para ikaw ang titigil at mag aalaga kay baby. e bat siya mag ooffer ng siya mag aalaga. Kunyari lang yan magbabago siya. Ka bwisit yung mga ganyang lalake.

Magbasa pa

edi bigyan mo sya ng last chance.. magkaroon kayo ng kasunduan na kapag sinaktan nya pa kayo ipapakulong mo na sya... much better to trust ur partner again kaysa ibang tao.. tutal anak naman nya yan.. di naman nya cguro sasaktan.. tsaka dyan nalang kayo sa side mo para makikita din nila si partner mo

Magbasa pa

And may tiwala ka pa rin sa ex-LIP mo after what he did? Dapat nga pina-blotter mo yan eh. If you really care about your baby, di mo sya ibibigay sa ex-LIP mo. Makakahanap ka rin ng solusyon sa situation nyo without the help of your ex. And please lang, wag ka na makipagbalikan.

momz consider your baby's safety more than anything else, know your priorities.. my mga yaya nmn pong matino, mas mahirap po pg binalikan mo un ex mo, malalagay nmn sa panganib buhay mo at ng anak mo.. isip isip din po muna at pray po..

Naku mommy.. Malaking ekis po dun s ex-LIP mo.. Ok nman po kayo ni baby mo n wala xa eh and pra n dn s safety nyo ng baby mo.. Try and try lang po, mhirap tlaga mghnap ng yaya sa ngayon pro sna mkahanap n dn po kayo.

never kapo magtiwala. kung ikaw kayang gawin syo un to think na dala dala mo pa baby mo what more pa kung sya mag aalaaga sa bata? mommy wag ka po magtake ng risk... once nagawa na po maaaring ulit ulitin pa yan