Second chance? Or no chance?

Hi momshies and popshies, na-experience kong habulin ako ng live-in partner ko ng kutsilyo (habang hawak ko si baby) habang lasing sya. Nagsumbong ako sa kuya ko at sinundo nila kami ni baby at hinakot na lahat ng gamit sa apartment namin. Obviously hindi ko na sya dapat balikan pa. Pero ngayon nahihirapan akong mag-alaga kay 11month baby dahil WFH din ako. At walang maasahan sa family na magfocus kay baby dahil working din sila. Si ex live-in partner ay nag-ooffer na mag-alaga kay baby at sabi nya ay magbabago na daw sya (itutuloy ang pag-aaral na natigil dati, hindi na daw ulit mag-iinom, at mag-aapply ng matinong trabaho na daw). Natempt ako kasi super hirap makahanap ng mag-aalaga na mapagkakatiwalaan. Nagpost ako sa fb pero sabi ng nanay ko baka daw ma-scam kami. Nagtatanong kami sa mga kakilala kaso wala din silang mai-refer. Tanong ng boss ko sa work, "Saan ka ba naghahanap?" Eh ayoko sana i-give up yung work kasi medyo critical yung position ko sa company at hirap din ako maka-deliver ng work on time. Hayy magulo. Any suggestions? Thank you in advance.

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

NO HINDI NA PO YUN MAGBABAGO pag na trigger ulit siya kaya niya ulit yun gawin. wag niyo po ipagkatiwala ang buhay niyo ni baby sa kanya. Kaya niyo po yan para sa baby niyo. Fighting!

Kaya lang naman gusto ng ex mo alagaan si baby eh para makakuha sya ng pera/suporta from you. Isip-isip din po. Gagamitin lang nya si baby. Wag ka naman po sana pumayag.

no. ganyang klaseng Tao di na yan magbabago. maawa ka sa baby mo lalo na sa sarili mo. hindi rason ang lasing kaya niya kayo hinabol ng may dalang kutsilyo.

ask kana lang help sa parents mo hinabol kana ng kutsilyo babalikan po dala mo pa anak nu ah...you are putting your baby in danger kaya isip isip ka po

Nakakatakot ispin pag bnlikan mo ung siraulo mong ex. Maghanap ka nlng ng matinong yaya, madmig may kailangan ng work ngayon, papatusjn yn. Tiyaga lang

no na moms. naku ulit ulitin nya yan. maniwala ka. tas kung ibbigay mo sa kanya baby mo isusumbat nya yan sayo sa bandang huli. kaya wag na moms.

tutal WFH k sis papuntahin mo lng c ex s time ng work mo tpos pauwiin mo rin kpg pwede kn mag alaga kay baby ndi mo sia kylangan balikan

No chance. Please consider your baby's safety. If I were in your position, I'd be scared to leave my baby to the father.

wag ka na po magtiwala sa live in partner mo. naranasan mo na e. worst part is bitbit nyo ung anak nyo.

VIP Member

haay juskoo..hianbol ka nga kahit karga mo anak mo. .pagpinagpatuloy mo yn higit pa dyan aabutin mo.