26 Replies
Nagkaka-acne outbreak sa pisngi ng baby ko pag matagal nakadikit sa braso ko pag nagbbreastfeed or pag matagal naka-baby wear tas mainit. Yung pawis ko or dumi ng shirt ko napapadikit sa kanya. Kaya lagi ko na sinisigurado malinis damit at braso ko sabay pahid ng breastmilk sa acne niya. Makinis na kutis na ni baby ngayon 🥰
This happened to my baby. Nagpa-consult ako sa pedia ng barangay health center namin tapos binigyan niya ko ng reseta. "Eczacort" yung pangalan nung ointment at super effective, it works within a day. Worth 300 pesos pero nagagamit ko pa rin ngayong 5mos. na si baby.
mommy, normal po yan sa newborn baby. ganyan din po sa baby ko as per pedia kusa din po siang mawawala. basta make sure lang po to observe proper hygiene sainyo po na humahawak and no kiss muna po. mawawala din po sia ng kusa.💕
normal lang po yan mamshie. my LO din po nagkaganyan sobrang upset ko 😅 kusa naman nawala. pag po naman sa may leeg calmoseptine lang nilagay ko. sa face po cotton lang po na may water ilinis mo :)
For me po, ganyan po si baby nung mga 1 month. Try nyo po yung breastfeed ipahid sa buong mukha po or gawin pong cetaphil (hair to toe) yung sabon nya at sabunin po bandang mukha.
It's normal sis. Same ng baby kong bunso ngayon. He's 1 month and 6days old. Baby acne tawah dyan. Wag lalagyan ng kung ano ano. Eventually mawawala din po yan ng kusa nya.
If you want to treat a face rash naturally, mas preferable ang breast milk. It works for my baby. Pero pag di parin mawalawala mommy try switching to other brands na momsh.
Normal po sa new born mommy. Kusa din po mawawala. Make sure lang po lagi malinis face ni baby. Iwasan pahalikan. Yung iba nilalagyan nilanng breastmilk bago liguan.
momsh ganyan din po baby ko nung 1 month sya d po matanggal ng gatas ko..pina check up ko po may gamot po na cream ung name po innoderm hydrocortisone
Nagka rashes din si Baby ko, ganyan yung nangyari sa kanya. Reseta ng Doctor, Momate cream day ang night. 1 day lang kita mo na result mommy 😊