Hi momshies, please share your thoughts and experiences. Nakatira pa po kami now sa parents ko may 3 year old baby boy kami and meron na din po kami kinukuhang bahay ng partner ko, pero turnover is 2025 pa. Ngayon, nag iisip po kami kung bubukod na ba kami agad ngayon or hihintayin namin yung bahay namin. Ang iniisip ko po is doble gastos dahil nag babayad pa kami ng equity, and may binabayaran din kaming sasakyan. Sa ngayon ako lang po ang may work, 2 jobs po ako. Kaya naman po ng budget kung bubukod kami ngayon pero need talaga mag tipid ng sobra. Lagi na din po talaga kasi kami nag aaway ng partner ko dahil gustong gusto niya na umalis sa bahay ng parents ko. Iniisp ko po kase yung budget lalo na ako lang may trabaho tapos 2 jobs pa almost 17 hrs a day ako mag work and ako din po nag aalaga sa baby namin madalas pero tinutulungan niya naman ako. I really really need your advice. Pagod na din po ako and pagod na din ako makipag talo sakanya :((((( super draining na sobra :(((