Damit Ni Baby

Hello Momshies! Please enlighten me. I'm 36 weeks pregnant. Nag spotting ako nung sunday morning kaya sinabihan ko si husband na labhan na damit ni baby since hindi naman alam ang mangyayari. So naglaba si husband. Nakita nung auntie niya yung mga naka sampay na damit ni baby at agad na sinumbong sa MIL ko. Pinagalitan si husband kasi bawal daw kami maglaba ng damit ng baby dahil ayon sa sarili nilang paniniwala, bibisitahin daw kami ng mga pumanaw na kakilala/kamag anak nila. Kailangan daw ibang relatives ang maglaba ng damit ni baby. Okay, ayos lang naman sa akin. Kaso ang hindi ayos sa akin, ayaw ibalik sa amin ang damit ni baby. Bahala na daw ang MIL ko sa damit ni baby. Ang akin lang naman, ako ang nanay ng sanggol na nasa sinapupunan ko at hindi maaalis sa akin ang mag alala lalo na hindi pa ako nakaprepare ng mga gamit namin. Anytime pwede na ako manganak. Sa inis ko, iniyak ko na lang. Mas mahalaga ba ang mga taong pumanaw na kesa sa taong buhay pa? Tinawagan ko nanay ko at sabi bumili na lang daw kami ng kahit isang set. So ang ginawa ko nag order ako sa shopee ulit at inaddress ko sa bahay ng nanay ko. Ang hirap makapag asawa ng may pamilyang manipulative. #ftm #adviceplease #anythoughts #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello. Almost same pero mas malala sayo 😅 sorry. At 5months nag start na akong mamili, kasi gusto ko rin na ready na kahit ano pa man ang mangyari. Wala kasi akong kasiguraduhan sa inlaws ko kahit nag offer sila na sila na ang bibili ng mga gamit. Pinagbawalan ako bumili kasi baka daw majinx yung pinagbubuntis ko. Wala na rin silang nagawa nung naglalaba na ako ng mga damit ng anak ko. Nakompleto ko yung ibang pang hospital bag tapos yung iba binili ng husband ko habang nanganganak ako. Yung mga inlaws ko naman, hindi magkanda ugaga sa pamimili ng mga kulang na gamit 🤣🤣🤣 Habang ako pachill-chill lang. Sila stress na stress sa pamimili, paglilinis ng bahay, ng kwarto, pagdi-disinfect, tapos sinabayan pa ng nasira yung aircon 🤣🤣🤣🤣🤣 sobrang Laughtrip. Magready ka ng patago doon sa mama mo. Tignan mo matatawa ka na lang sakanila kung hindi na sila magkanda ugaga sa paghahanda 🤣🤣🤣 ng hindi nila alam ready na pala 🤣🤣🤣

Magbasa pa
3y ago

Thank you sa pag share ng story mo, Momshie! Nag order na ako sa shopee at buti nagdatingan na lahat. Patago ko na lang kukunin din sa mama ko. Hehe. Kastress kasi pag malas sa byanan.

Juskolord oldwives tale labhan nila kamo and isoli sa inyo

3y ago

Hirap po makisama pag magkaiba ng culture. 😂