False labor? 38 weeks & 5 days

Hey momshies, FTM here. Share ko lang experience ko kaninang madaling araw, akala ko manganganak na ‘ko. 12 am nagising ako kasi nafeel ko na nilabasan ako madulas na tubig medyo marami pero hindi to the point na pati kama namin nabasa, undies at shorts ko lang. Then shortly after non, nagsimula na sumakit puson/tiyan at bewang ko. Nag try ako mag change ng positions pero ansakit pa rin as in kaya bumangon nako para mag cr. I emptied my bladder thinking baka naihi lang ako pero naka 3 beses nakong palit ng panty at shorts kasi bigla bigla talagang may lumalabas odorless na liquid, di ko rin mapigilan unlike pag naiihi ka napipigilan mo pa, kaya nag pantyliner na ‘ko just in case. Fast forward to 1 am, hindi pa rin nawawala sakit ng balakang at tiyan ko lumala nga this time at nilalabasan pa rin ako ng madulas na liquid. Di nako makabalik sa pag tulog kaya ginising ko na partner ko kasi ipapamasahe ko sana likod ko. Pero nagpanic siya(lol) kaya nagising din mga kasama namin sa bahay at napagdesisyonan na dalhin nako sa Maternity Clinic na malapit sa’min. Ayaw ko sana kasi dis oras na ng gabi, makakaabala lang kami tolerable pa naman yung pain kako. Pero nagbihis na siya pati mama niya at pumunta na kami sa Clinic. Pag dating don in-IE ako at nalaman na 1cm pa raw ako, malayo pa, buo pa yung bag of water, makapal pa raw. Sabi ng midwife baka raw lamig o hangin lang since malayo pa duedate ko, June 10, malalaman naman daw kung manganganak na talaga kasi either lalabasan ng dugo or may aagos napakaraming tubig kaya ayun pinauwi na kami. Continue sa pag inom ng salabat. Tinry ko bumalik sa pag tulog pero wala talaga e, napaka uncomfortable ng sakit sa may balakang at tyan ko. Nakaidlip lang ako 6 am na at nagising ulit around 7. Until now tumitigas parin tyan ko at nananakit bewang ko kasabay leak ng odorless liquid. Haaaay, sana normal lang nga talaga to and I hope and pray okay lang si baby. Sana makaraos na. ?❤️

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Samecase tau mumsh. Ganyan na ganyan din nangyari sakin pero hello 1week pa bago ako nanganak nagpabalik balik ako sa ospital. Ang naalala ko na sabi sakin ng ob ko nagcocontract daw kya sumasakit tiyan ko during my that time ksi im still working pa. Ayaw ko paawat knowing na maexercise ako at mbilis manganak dhil takot ako matagalan sa labor. Pero iba nangayari😁 kya un tuloy cs ako.

Magbasa pa
5y ago

Yes keepsafe mumsh. Pray lang😊