panubigan @ 35 weeks
May possibility pa kaya ma remedyuhan to? Gusto ko pa kasing umabot sa kabuwanan ko. May lumalabas kasi na tubig sa pwerta ko pero di ko masabi kung panubigan na ba sya. Pero di naman ako ganun kamangmang para maihi na lang basta sa salawal ko kahit gising na gising ako. Tsaka ramdam ko na kusa talaga syang lumalabas mula sa pwerta ko. Sure rin ako na di sya discharge lang kasi sobrang basa na panty ko pati shorts ko to the point na tumagos na hanggang sa bed sheet ng kama ko. Wala naman ako nararamdaman na masakit. Sabi nila pag panubigan daw kahit pigilan mo tatagas pa rin daw pero ito npipigilan naman nagulat lang ako kasi nagkusa na lang naramdaman ko na lang tumagas na hanggang binti ko. Tapos nung nag try akong pigilan, huminto naman sya.