Kabag/Colic Baby

Hi momshies, bat po ganon. Yung baby ko namumula at minsan napapaiyak kaka ere para mag poop or umotot. Breastdeed po kami. Naaawa ako tingnan pag na ere, naiiyak. 😥 6 weeks pa lang po sya. Ramdam ko talaga titigil sya dumede para umere. Tas maya2x makaka utot na sya or makaka poop minsan naman hindi. Lungad pa ng lungad, d ko alam if overfeed. Halos every hour kase sya nadede sakin, hindi sya mahaba mtulog 2 hrs lang pinaka matagal sa gabi at panay gising para dumede. Sa araw naman d masyado natutulog except sa braso namin , buong araw din halos karga kase naiyak pag nilapag. Nadedepress na ko sobra d ko alam ano masakit sa kanya. 😥

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mommy, relax. re sa pagtulog, ganyan po talaga ang newborn, pinakamatagal na ang 3 hrs tapos gigising ulit yan para magdede. re sa poop, minsan mas constipated ang breastfed baby dahil sa kinakain ng mommy. make sure damihan niyo po ang gulay intake ninyo. healthy naman po si baby dahil breastfed, just make sure kung hindi man siya maka-poop e dapat nagwiwiwi siya. re lungad, after po magdede make sure na wag siya ihihiga agad. dapat po ipa-burp muna siya.

Magbasa pa
5y ago

Thanks mamsh. Kanina ulit ere na ere. Napapasigaw at iyak pa. Then naka yulog ulit, pagka gising dumede then yun nah naka poop na sya, pagka bihis ko s kanya nagfart din. Yun nga lang nakakaawa sya sobrang mag effort maka poop at fart lang

Super Mum

Mommy imassage niyo po tiyan ni baby.. Gamitin niyo po yung tiny buds na calm tummies kasi di daw po maganda yung aciete de manzanilla..i love you massage po and bicycle exercises.. Search niyo po sa youtube..

5y ago

Ginagawa ko po yan, baby oil gamit

Every after feed momy pa burp mo sya pra di sumuka

VIP Member

Kung tama naman ang latch sayo di yan colic.