Broken

Hi Momshies! 27 weeks pregnant medyo naaaning na naman. Hanggang ngayon hindi ko alam bakit nandito pa din yung sakit ng iniwan at pinag palit. Simula nag umpisa ang pag bubuntis ko iniwan na kami at may bago agad na girl yung daddy ng baby ko. Hindi nya agad inamin sakin na sila pero alam ko naman at ramdam ko naman yung katotohanan, bumabalik balik sya or nag paparamdam pag may kailangan pero walang binibigay na tulong para samin ng baby. Kahit sa usapang financial para sa panganganak ko dedma na, gusto makikinabang na lang sa baby pag labas. Ang sama sama lang sa loob na bakit kaya may mga ganong tao na kayang mag pakasarap kasama ng ibang babae habang kami ng anak nya eh pinabayaan na ng tuluyan. Pinangarap naming dalawa to pero sa huli naiwan kaming mag ina. Kahit anong iyak ko hindi matapos tapos yung sakit. Buti pa sakanila ganon ganon lang, in just one snap happy na agad sa iba, pasarap buhay, pagala gala na lang. ???

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Total cutoff na dapat from that bastard of a man. Hindi niya deserve ang love niyo ng baby niyo. Wag kang papayag mommy na makikisawsaw siya sa life niyo na wala man lang nacocontribute financially. You can always file for child support kasi right yon ng baby mo BUT according sa sinabi mo feeling ko matotoxic and masstress ka lamg so better lumayo na kayo jan. Hindi kayo option mommy na pwede niyang puntahan pag bored or lonely siya. Kapal ng face niya 😒 Anyway, be strong and seek God's strength and guidance. HE will provide. Pray mommy 🙏

Magbasa pa
TapFluencer

hugs to you pero alam mo better na now nakita mo na ung tunay nyang kulay and alam mo things will fall into place