HALAK at BARADONG ILONG

hi momshies. 1 month n si baby... pero meron sya halak at every gising niya parang barado ilong niya, sign ba yun na may sipon siya? paggumamit naman ako ng nasal aspirator wala naman akong nakukuha. at tungkol dun sa halak, normal ba talaga yun? thank you po sa mga sasagot.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ginagamit lang po yung nasal aspirator kung my lumalabas na sipon sa ilong ni baby. Wag po gamitin yun kung wala naman tumutulo sa ilong ni baby baka po mahigop ang nostril nya delikado po. Regarding naman po sa sinasabi mo po na halak baka po gatas lang po yun na napupunta sa ilong ni baby kung breastfeed po ikaw possible po na mangyari yun lalo kung ngpapadede ka ng nakahiga. Kaya always pa burp mo po si baby. Ganyan ako kay baby ko 5 mos. na sya ngayon. Hindi naman ganun nakakabahala bsta ipa burp mo lang si baby mawawala din naman yan. Bsta always mo sya ipa dighay kasi delikado din kung napuno ng gatas ang ilong ng baby.

Magbasa pa
5y ago

no problem po. Same case before 5 mos. na si baby pero recently na experience pa din nya yan. Wag ka masyado mgworry. Bsta padighayin mo lang sya always and gamitin lang yung nasal aspirator kung my lumalabas na sipon sa ilong nya.