trust

hi momshe's ano po ang magiging reaction nyo kung makita niyo ito sa bulsa ng bag ng husband nyo ? nabawasan napo siya ng isa .. kakauwi lang po niya nung isang araw dto sa akin kasi nag stay in sa sa work , tapos sa ndi sinasadya nkita ko ito ..

trust
87 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pinakita ko ito sa hubby ko at ang suggestion niyang i-reply ko is: "at least momsh nag iingat siya!" 🤣Gago di ba? Hahaha gigil ako ng slight pero natawa rin ako. 🤣 Seriously speaking, masinsinang usapan 'yan, sis. I can't tell you na maging mahinahon ka kasi kung ako hindi ko talaga kayang kumalma sa ganyang sitwasyon. Pero sana bigyan mo ng chance na magpaliwanag ang asawa mo. Sana lang may maganda talaga siyang rason kung bakit may condoms siya (kung hindi naman kayo gumagamit), at kung bakit may bawas 'yung pack. Good luck, sis. ☹️

Magbasa pa
5y ago

Parang bad case of sexual frustration 'yang sa asawa mo po 😓 Sana lang kasi lahat ng lalake ay nakakaintindi sa hirap ng pagbubuntis nating mga babae. Sana rin naiintindihan ng lahat na may mga sitwasyon kung saan hindi pwede o hindi advisable ang mag-sex (high risk pregnancy, low lying placenta / placenta previa, subchorionic hemorrhage, etc.) Haaay mommy... I am so sorry sa nararanasan mo ngayon, pero mahirap na desisyon itong kinakaharap mo. Mahirap magtiwala kung hindi ka binibigyan ng rason para magtiwala. Mahirap magpatawad kung hindi umaamin sa mali, at lalo na kung nagmamatigas pa. I hope na tama ang magiging desisyon mo para sa'yo, sa baby mo at para sa relationship niyo ng asawa mo kung sakaling itutuloy mo pa.

Related Articles