87 Replies
Hi Sis, kausapin mo na sya agad. Kasi ikaw din ang di matatahimik. Lalabas sa kilos at salita mo kung may burden ka na di mailabas. Kaya mabuti pang kausapin mo na. Kahit mahirap. Bigyan mo pa din kahit konting benefit of the doubt. Pero whatever yung isasagot nya. Tell him na ano man yun, malalaman mo agad. At ngayon pa lang, sabihin mo na sa kanya possible na mangyayari sa family nyo if totoo man yung hinala mo. Para ngayon pa lang matakot na sya. Pero maging observant and vigilant ka na. Pwede ka magtanong. Asawa ka at karapatan mo yan if wala kang peace. Pwede mong simulan sa pangangamusta sa naging lakad nya. Kung saan sya nagpunta, sino kasama nya, bakit sya nagpunta, ano mga activities nila. From their, search mo mga babanggitin nyang tao. Tingnan mo yung possibility ng katotohanan at kalokohan sasabihin nya. Mahuhuli sila sa sarili nilang bibig the more na magkwekwento sila. Haaay, ang sakit nyan sa dibdib pero you need to be wise. Wag ka muna maging emotional. It will just add up to your pain. Praying for you!
Kahit tanungin mo siya Kung ano-anong kasinungalingan lang ang sasabihin niya sayo. If I were you, you composed yourself. Kapag inunahan mo siya ng galit sa bandang huli ikaw pa ang may kasalanan. Sasabihin niya sayo wala kang tiwala. I will not ask him nor accuse him n sumide line siya. I will just say in a matter-of-fact manner n I saw condoms in your bag. If hindi ka magsasabi Ng totoo you better not say anything. Pero hindi ako pinanganak kahapon. Alam natin pareho na kung ano pwede gawin nito sa relasyon natin. And the rest of the condoms, use them wisely. You stirred up his guilt. Let him feel and realize what he had done. Personally I don't think I can let him touch me again.
Kakausapin ko. Hindi para awayin. Para ayusin ang problema. Kasi asawa ko sya, nagpakasal ako kahit alam kong pwede tong mangyari, na mambabae sya. Hirap at ginhawa yung sinumpaan namin. Kahit na masakit, magpapatawad. Kung maayos namin, I'll still put in mind na pwede tong mangyari ulit. Pero di ko paulit ulit yung isusumbat sa kanya yung pagkakamali na ginawa nya. Kung mangyari ulit, siguro that's the time na magdecide na kami kung ano ba dapat gawin sa relationship namin. Di lang kasi ako maapektuhan pati mga anak ko, maliban don mahal ko sya kaya nga ako nasasaktan. Mahirap pero kakayanin. Ayusin muna hindi hiwalay agad.
aray ko ansaket, direct to the point na tanong ko. pero kahit di pa siya umamin mag aalsa balutan nako. dadalhin ko anak ko bahala siya sa buhay niya, di pa pala siya tapos sa buhay binata/kakatihan niya edi wala ng kailangan pag usapan pa, kung nagawa niya yan uulit ulitin niya pa rin yan. to save my sanity, makikipag hiwalay nalang ako kasi kung talagang mahal niya ko di naman niya gagawin yan e. hindi ko masisikmura na makita pa siya knowing na nakipagsiping siya sa iba. he can still be a father to our child pero hinding hindi ko na talaga siya tatanggapin bilang significant other ko.
Eto ay sagot sa sinasabi mong inaway ka lang nya at sinabihan na sumama sa work nya: Edi sumama ka. Sinasabi nya lang yun sayo ng lakas ng loob ksi alam nya na di mo gagawin. Gawin mo, sumama ka. Ng makita nya na di ka nagbibiro at makita mo kung nagsisinungaling ba sya sa stay in work na yan. I don't think companies will tolerate such act; yung nasa loob ng premise ng opisina ang empleyado then may gagawing mali. For sure may mga cctv cameras pag ganyang stay in ang set-up ng company. Tapos makakapagmasid ka pa kung sino2 ba ang kasama nya dun...makukutuban mo pa kung sino ang higad sa opisina.
Pinakita ko ito sa hubby ko at ang suggestion niyang i-reply ko is: "at least momsh nag iingat siya!" 🤣Gago di ba? Hahaha gigil ako ng slight pero natawa rin ako. 🤣 Seriously speaking, masinsinang usapan 'yan, sis. I can't tell you na maging mahinahon ka kasi kung ako hindi ko talaga kayang kumalma sa ganyang sitwasyon. Pero sana bigyan mo ng chance na magpaliwanag ang asawa mo. Sana lang may maganda talaga siyang rason kung bakit may condoms siya (kung hindi naman kayo gumagamit), at kung bakit may bawas 'yung pack. Good luck, sis. ☹️
Kung ako siguro, aalisin at itatago ko yung laman. Yung box, ilalagay ko sa bag ko. Tapos uutusan ko asawa ko kunin niya yung loob ng bag ko kunwari susi. Kapag nakita niya, doon ko makikita reaksyon niya. Kapag tinanong niya bakit mayroon akong nyan, sasabihin ko, "ano naramdaman mo nung nakita mo yan?". Kung ang sagot ay masasakit na salita, "yan kasi naramdaman ko noong nakita ko yan sa bag mo. Eto yung laman niya at LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO!" Maging matapang ka sis. Huwag kang papaapi. Na sa'yo pa rin ang desisyon sis.
sabay ganun .. papalayasin baka ako pa palayasin sis
Tanungin mo siya kung anong pakiramdam makipagsex habang may suot na condom tapos yayain mo, sabihin mo gamitin niyo yung condom na nakita mo sa bag niya. Tanungin mo ulit kung bakit bawas na ng isa at kung dapat mo bang pagdudahan yung pag stay in niya sa work. Ikaw na bahala sa susunod mong desisyon mommy. Tandaan nating mga misis na ang mga asawang nangangaliwa ay hindi humihingi ng patawad dahil nangibang babae sila. Humihingi sila ng tawad kasi nahuli sila. Pero sana misis tamang hinala lang.
Awts. Siya pa matapang, so anong ginagawa ng condom sa bulsa niya? 🤦🤦 Hay!! Lalaki nga talaga. Kahit may ebidensiya na, tumatanggi parin.
Hulihin mo sis. Dati sa bf ko pgopen ko account nya may nabasa ako msg na mgkita daw sila sa gantong lugar (mall yun) sa chat nya sa ex nya. Tas nkita ko niremove message nya agad, but THANK KAY GOD sakto inopen ko account nya nagappear yun kht ambilis nya burahin. di ko muna sya kinompronta sa chat kunware wla ko alam. Tas ang gnwa ko pmunta ko sa lugar na un sa meet up nla, then boom. Nganga sya di na mkpgdeny😏
anong next episode ?
Mas mabuti pang kausapin mo na sya agad. Sabi nga strike while the iron is hot.. Kalma ka lng muna kasi walang magandang patutunguhan ang usapan nyo kung pareho kayong galit. Meron din naman kasing mga barkada na maloloko. Kaya pakinggan mong mabuti ang explanation nya. Pero wag ka ring paloloko. Tingnan mo sya sa mata habang nagpapaliwanag. Makikita mo kasi sa mata kung nagsisinungaling ang isang tao.
eimee