Close cervix at 5cm ( 39 weeks and 6 days)

Momsh, same lang po ba ang pangpahilab at induce? 5cm nko pero wala parin ako nararamdaman na pananakit. Ang sabi sakin close cervix pa daw po ako. Pang 3rd ko na po ito. Sa 1st and 2nd born ko wala naman problem, advance ako ng 2 weeks sa due date ko ng pinanganak ko sila.. Pero dito sa pangatlo ko. Mag due date nko bukas oct 24.pero di padin ako nakakaraos. Lagi ko wino worry baka ma cs ako 😢 Ano po kaya gagawin ko, anu pwede mangyare samin ni baby?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

based on my experience momshie 25 hours ako nag labor same situation hindi ko nararamdaman humihilab tyan ko nakaramdam lang ako ng pain nung 9-10 cm hindi pa rin pinapalabas si baby kasi hindi pa daw totally bukas si cervix. nung 5 cm ako may ini-inject sila na pampalambot ng cervix then naglalagay rin sila ng primrose sa pwerta ko nun naka ilang inject & primrose ako nun Momshie pero ayun na normal delivery pa rin & safe si lo. 2 months na sya ngayon 😊😊

Magbasa pa

Dibale momsh ilang weeks ka nun nung lumabas si baby mo? Ako kase nagpacheck ulit ako sa lying in na pag aanakan ko nung oct 25, sakto 40 weeks ako at 6cm na daw ako, malambot narin dw ang cervix ko ituloy tuloy ko lng dw ang pag take ng buscofan at primrose. Pag ka ie sakin nakakapa na dw ng midwife ang panubigan ko at ulo ni baby, pero wala padin ako nararamdaman na sakit. Wala bloody show at pumutok na panubigan wala padin.

Magbasa pa