Feeling Unloved
Hello momsh! Kailangan ko lang po ng malalabasan ng sama ng loob ? bakit ganun, parang napaka insecure ko nitong mga nakaraan.. Feeling ko i am not loved ? 8 yrs na kami ni hubby, ngayon ko nararamdaman ang insecurities.. Di ko na mafeel na kami ang priority nya.. Lately, puro kami away dahil sa selos ko.. Sinasabi naman nya na mahal nya ako, kuntento na sya sa amin ng mga anak namin. Pero may kulang sa relationship namin ngayon.. Communication, nabasa ko po kung gano kahalaga ang communication sa isang relasyon. Ngayon ksi, naka mat leave ako, 2nd baby namin. Twing uwi nya sa bahay after ng work nya, excited ako magkwento sa kanya tungkol samin ni baby pero sya parang wala sa akn yung atensyon. Walang reaksyon. Sya hindi magkkwento tungkol sa maghapon nya, maglalaro ng ML, GTA, sabay kaming kakain na halos walang imikan.. Sabi nya hindi sya nag kkwento kasi puro ako hinala, mali po bang maghinala ako na sa 3days na uwi nya ang kwento nya tungkol sa magandang ktrabaho nya. ? Hindi na daw nya kinukwento sa akn lahat ksi binabara ko sya. Madalas ko syang binibiro, doon ko ksi dinadaan gsto kong sabihin sa kanya. Kasalanan ko lahat, hnd ko pwedeng sabhin nararamdaman kong mali sa kanya.