Hospital bill

Hello momsh! Ask ko lang mga magkano po nagastos nyo pag nanganak sa public hospital (Normal & CS)? And totoo bang di ka aasikasuhin pag ung OB mo di affiliated sa hospital na pinuntahan mo? I just badly need more info, malapit na kasi ako manganak at medyo kulang ata ipon nmin. Thanks

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

CS 35k less philhealth. Private hospital sis. balak ko din sana lumipat ng public. nacheck up na ko kahit 39 weeks na ko buti pumayag sa public hospital kaya lang nagwoworry sakin OB ko sa private na baka magpupu si baby sa loob tsaka hindi kasi humihilab tyan ko . hindi ko daw kaya inormal kasi masyado malaki si baby para sa height ko. kaya inischedule nya ko CS sa mismong due date ko . wala na ko nagawa haha! pero okay na din sis atleast alam kong safe si baby.

Magbasa pa

Hi mga momsh. 😊 From baguio din ako. Dati kasi nanganak ako sa 1st born ko. sa SLU nsa 26k nbyaran then normal delivery. Ngaun kay 2nd baby 7mos na ako. Ngayon balak ko sana sa BGH or BeGH nalang. Ganun po ba policy nila? Hnd ka tatanggapin kung hnd affiliate ung OB mo? Thank u sa sasagot. Ngayon ko lang kasi nbsa un. Kala ko once na punta kang emergency ng mga public hosp tatanggapin ka. Hindi pla. 😢

Magbasa pa
5y ago

Tatanggapin Ka nman momsh pero mas ok prin Kung affiliated ang OB mo kc pwdy nila tawagan anytime ung OB mo about sa pregnancy mo 😊

Kung private ka nagpapacheck up at plan mo sa punlic manganak lumipat kna sa public dun kna magpacheck up. Kaya sila nag ddecline kasi hindi nila alam ang OB history mo. Ganyan din plan ko sa private ako nagpapaalaga now pero pag 7 months na uuwi na ako sa amin para dun na magpapacheck up. Kukuha na din ako ng private OB sa public hosp na panga2nakan ko para maalagaan ako. Ganun gawin mo sis.

Magbasa pa

.. private hospital ako pero sa ward, CS, nasa 11k lahat bawas na philhealth (37k ung bill talaga) .. .. base on my experience, oo hndi Ka papansinin pg hndi affiliated ung OB mo sa hospital na pinuntahan mo .. Ng pa emergency kc ako nung una sa hndi affiliated ung OB ko, tapos sabi skin " bat andto Ka? Hndi mo ba afford dun sa affiliated hospitals Ng OB mo" kaloka dB hahaha ..

Magbasa pa
5y ago

..Mahal nman hehe .. Keri lng momsh Kung Mahal basta safe c mother and baby 😊

VIP Member

Tanong mo po muna sa ob mo kung may affiliate siyang public hospital. Para dun ka po manganganak kung sakaling meron. Kalimitan nasa 20-30k ang professional fee nila pag sa public hospital. Yung hospital bill naman, hindi naman po kamahalan kaya halos makocovered na yung ng philhealth if ever meron ka.

Magbasa pa

Dapat nagpacheck up ka po sa public hospital. Kase wala kang record sakanila kaya di ka talaga nila aasikasuhin kapag manganganak ka, ano bang malay nila sa sitwasyon mo eh yung ob mo lang ang nakaka alam. Kaya if my time ka at pwede mo pang mahabol magpacheck up kana sa public para may choices ka

150k emergency cs private... ung OB ko nagpaanak sakin.. ang pagkakaalam ko need mo magpacheck up sa hospital kung saan mo plan manganak un kasi ginawa nung kapatid ko...parang at least 1 month before ka manganak dun ka na nagpapacheck up para mamonitor ka nila and para may record ka.

Private ung akin Depende sa ospital. Sa St Mathues ako sa San Mateo may all in package sila. 30k pag normal at 42k pag CS. Kailangan may record sa OB na magdedeliver sau. Ndi ka tatanggapin ng ospital kng walk in ka lang at manganganak ka na.

5y ago

Yes poh normal ung 30k

Pag nanganak sa public wala akonh binyaran kundi 200 pesos. In my case, dun ako nagpapacheck up habang buntis ako and doctor naman nagpaanak sakin kaya no worries. Hanggat maagap pa pumunta ka na sa public kasi di ka tatanggapin once na 35 weeks up ka na

karamihan kc sa public hospital y'l di pa lalabas ung bata hnd ka nila aasikasuhin.sasabhin lng sau lakad lakad k muna.di tulad sa private or lying in asikasu ka talaga nila.khit maglakad lakad ka nkamonitor sila sau.😊

5y ago

..true momsh .. kunti nlng panubigan at ngble2ding na ako for a week wala prin c clang pake.. 😅