69 Replies
So far po sa ganyang sebo Joy po gamit ko. Babad sa mainit na tubig na may halong 1 tsp Joy. Pero Sis incase ayaw mo na talaga maghugas ng ganito ka sebo sa ganitong lalagyan or kahit anong brand ng plastic ware, please use nalang po kayo ng glassware na lalagyan. Atleast yun di talaga mahirap hugasan. 🙂
ang ginagawa ko po dyan nilalagyan ko ng hot water tapos kapag natanggal na sebo tatapon ko tubig tapos lalagyan ko ng pure joy tapos iniscrub ko gamit kamay ko. tapos kapag ok na sasabunan ko ulit na may sponge para talagang malinis. madali lang naman hugasan yan kapag sanay na. hehehehe.
lagyan ng joy tas mainit na tubig tska itapon yung natunaw na sebo. wag sa sink kasi baka bumara dun yung sebo na itatapon mo. ulit-ulitin niyo po yung joy and warm water hanggang sa tolerable na sebo at pwede nang hugasan. pero since disposable naman ata yan, itapon niyo na lang.
yung in law kopo dito sa korea. pag nag huhugas ng mga ganyan. hindi po muna nila binabasa. pinupunasan muna nila ng tissue hanggang matanggal ung sebo tska nila huhugasan. pati sa mga fried pan . ganun din ginagawa nila. effective po try nyo hehe 😅
so true na mas ok pa mag hugas ng madaming plato kesa sa ganyan.. lalo na pag nag pepesto dto sa bahay jusko ang oil kagrabe! nilalagyan ko muna joy tas konti water then shake2 tas babad muna then huli ko na syang hinuhugasan 2x
gumamit ka ng joy pansabon sa sponge banlawan pagkatapos buhusan ng mainit na tubig para mawala ang naiwang langis kung meron pa sabunin mo ulit at banlawan mo na, ayun wala na ang sebo pwede na ulit gamitin
Totoo nakakatamad maghugas ng ganyang container kumakapit ang sebo. Kaya po ilang beses ko sinasabon paulit ulit hanggat nafefeel ko na may sebo pa rin siya pag nagbabanlaw ako uulitin ko na naman ulit.
ginagawa ko binabaran ko muna ng dishwashing soap and little water and shake til bubbly. also, I learned from Paula Peralejo that baby dishwashing soap like Cradle is good with greasy dishes.
Easy naman yan. Anything na ganyan ang sauce or mamantika tissue-han muna. Pag natissue-han mo na nang buo ung lalagyan saka huhugasan. Kung huhugasan mo basta ung ganyan mahirap talaga
Agreee po
May napanuod akong video, bale water tapos dishwashing liquid ilalagay mo dyan tapos lagyan mo din daw ng paper towel tapos shake mo. Didikit yung sebo sa paper towel.
Cheryl Ababao