12 Replies
9mos pregnant here. Never din ako kinamusta since Day 1. Pero pag uutang at hihingi ng pera, nakakaalala. Hahaha. Hindi ko na din pinapaka isip kasi sasama lang ang loob ko. Hindi din ako dumadalaw skanila at kahit lumabas na ang anak ko hindi ko dadalhin don sakanila masyado, siguro pag may okasyon lang. At saka po, baka ganon lang tlaga sila. Ung family kasi ng BF ko, hindi sila close at wala silang masyadong family bonding, at hindi din sila showy. Noon nageexpect ako ng care from his mom, lalo at first apo na babae, pero wala. Sobrang opposite sa family ko na mahal na mahal na agad ung anak ko. Inisip ko na lang na yung bf ko nga hndi niya kinakamusta, samin pa bang mag ina? So hinayaan ko na lang, basta nasakin ang bf ko at ako ang sinasamahan ngayon. Iwas stress na lang tayo at focus sa baby. Basta okay kayo ng asawa mo. 😊
Depende po kasi iyan sa naestablish mong relationship with them. Ang relationships kasi, hindi one-way kundi two-way. May times ba na kapag sila ang may pinagdadaanan, inaapproach mo sila o kinakamusta? Nakakatsikahan mo ba sila on a normal day basis o hindi masyado? If hindi ka close sa in laws mo, for me, magandang sign na rin na tinatanong nila sa asawa mo kung kamusta ka na. Kasi concerned pa rin sila, iyon nga lang nahihiya na tanungin ka mismo dahil baka hindi pa kayo masyadong close. Other than that, the best thing for you to focus on is your baby and your pregnancy. Sa pagbubuntis, hindi yung mga in-laws ang dapat na pinaguukulan mo ng pag iisip kundi si Baby. I also just said this para iwasan mo ang mag worry masyado, na focus ka lang muna kay baby at maging excited sa pagdating niya 💕
Feeling ko rin ayaw ng future in laws ko sakin. Like you, sa fiance ko lang siya nangangamusta, pero si baby lang kinakamusta nila. Na-CS na ako lahat-lahat pero walang kamusta-kamusta if nakalabas na ba ako ng hospital, nakakalakad na ba, etc. Pero okay na rin sakin kasi at least si baby tanggap nila. Sa 4 years kasi namin ng fiance ko, ganun na talaga sila sa akin. Pag sinasama ako ng fiance ko sa gathering ganyan, parang hangin lang ako kaya kumbaga inexpect ko na yung ganung trato sa akin. I know di ko deserve yung ganoong trato kasi si fiance parang anak turing ng parents ko sa kanya eh but I learned to accept that not everyone is your cup of tea. :) Ang mahalaga mahal ako ni fiance and maayos trato nila kay baby :) God bless you sis!
True sis. Yung tipong dati naiisip ko rin na baka may mali sa akin pero naisip ko na lang na baka talagang ayaw lang nila sa akin. 😂 Ayoko na rin nga pumunta sa kanila tbh hahaha pero pagpray na lang natin sila. 😘
Hi sis, wag mo icompare. Ndi nmn porque gnn un sa kapatid mo gnn din dpt un sau. Dba sbe mo nmn nangangamusta sa husband mo? So, ok na un... malay mo gnn lng tlg sila. Ska sa paglabas ni baby mo malay mo ndi mna maalagaan baby mo ksi lgi na nla kukunin sau (which is mostly ng in laws gnn) kya wag knlng msyado magisip ng sobra. Just think positive nlng..
Baka ganun lang sila hndi showy pagccare mamsh. Nanga2musta naman pla pero sa asawa mo sila nag aask ok na yun kasi un ang anak nila. Atleast naalala ka nila wag mo na isipin na big deal un. Mother in law ko ganun eh once in a blue moon lang un magssend ng sweet msg. Ako nlang nagsasabi sa kanila ng update. Para alam nila nangyayari samin.
Hehe same with my parents. Hindi nman sa ayaw nila sa husband ko. D lng sila Yung madaldal Ska feeling closed kahit samin d tlga sila sweet. Bka gnun din parents Ng husband mo.. hehe hayaan mo lng as long as d k binabastos and pinag sasalitaan Ng Hindi maganda.🙂 May mga in laws Lang na hindi tlga affectionate n Tao..
Ako nga, nahihiya ako sa mama ko everytime magtatanong sya kung bibisita ba yung in laws ko. Kung ano ano nalang dahilan sinasabi ko. Nahospital na ko at lahat wala man lang kamusta.
Same here sis😣pero si mister ko nalang yung nagpapa intindi at umaaasikaso saken😊ginawa ko na lahat ng pakikisama pero parang ganon talaga ugali nila hindi showy or idk
Ako nga ayaw talaga sakin😅 kase Filipino ako. Yun Lang, Hindi ko nlng ginawang big Deal, and mahalaga family ko at asawa nakasupport sakin❤️
mahihiya lang yan sis, kahit namn ako kapag nagksakit kaptid ng asawa ko dhil hindi ko cla close kay hubby ako ngtatanung at nangangamusta
Anonymous