Sis, grabe naman LIP mo. :-( hindi mo naman deserve 'yan. Better go back to your family. Worst case is baka pati yung bata saktan niya. Mahirap sa unang iwanan 'yan pero kung pinipisikal ka naman? Should you stay? Leave na sis. Tapos magpa-blotter ka at mag sampa ng kaso sa VAWC. Di ko kinakaya yung ginagawa ng LIP mo sa'yo. :-( Balik ka na sa family mo sis...
Ay kagigil. Momsh iwan mo na. Now na. Wag mo ng ipaalam sakanya, umalis ka na lang. Wala ng respeto sa relasyon at sa karelasyon once na napagbuhatan ka ng kamay. Hihintayin mo pa ba na may mangyari sayo lalo na sa baby mo? Kung pumayag ka na ganyan ganyanin dati, please lang maawa ka sa anak mo ngayon. Wag mong hintayin mapatay nya isa sainyo o kayong dalawa.
Hay naku momsy layasan muna yang wla mong kwentang asawa. Wag ka mag tiis na sinsaktan ka nya dpat satin na mga bbae minamahal ska kung mag awy man normal yun sa mag asawa pero yung manakit d tama yan ssbhin ka pang palamonin kapal nmn nang mukha nyan dpat Jan nag picture ka kpag may pasa ka o sugat ka para ma reklamo mo yang live in mo na hndi asal tao
Umuwi ka sa inyo sis kapag umalis asawa mo, okaya isumbong mo sa barangay. Dito sis, maaadvice ka lang sa pwede mong gawin, di ka namin matutulungan physically. So best way na gawin mo magsumbong ka na. Baka hintayin mo pang makunan ka "which is wag naman sana" sa mga pinag gagagawa ng partner mo. Kahayupan na yang ginagawa niya sayo no. Di na po tama yan.
Choice mo yan kung magstay ka pa or hinde.. Bakit mo sya hinahayaan na saktan saktan ka ng ganyan? Hindi ka na nirespeto what more pa sa magiging baby nyo. Ipablotter mo na yan para di na makalapit sainyo ng baby mo at sustento nalang wag mo sayangin panahon mo sakanya baka jan ka pa mag ka pospartum pagkapanganak mo lalo na lagi sa mukha ka nya sinasaktan
Naku te umalis ka na jan.. At ireklamo mo ang live in partner mo.. Kung natatakot ka para sa anak mo hindi ka magdadalawang isip na iwan ang iresponsableng lalaki tulad nya. Mamili ka anak mo o ang lalaking yan... Kung yang lalaki na yan ang pinipili mo, sinasabi ko sayo parehas kayo mamamatay ng anak mo. Goodluck sana nakapag isip ka na..
bat ka naman nagtitiis jan? di na uso marter inday! sumbong sumbong ka dito pero sana gumawa ka din ng paraan maka alis ka jan. Kahit man lang maawa ka sa sarili mo at sa anak mo. pag sinaktan ka lalo na at may pasa ka ipa blotter mo agad! para magtanda na yan. antayin mo paba mapaano ka or yung baby mo bago ka kumilos? nakuuuuu 😓😓😓
Ipatulfo mo na yan sis, jusko di nya deserve na makasama kayo ni baby mo tsaka baka kung ano pa mangyari sayo sis at kay baby mo kung di ka pa dyan aalis. Once na sinaktan ka dapat di mo na hinayaang maulit ng maulit pa, mahirap mag raise ng anak mag isa pero mas mahirap na makasama mo ganyang klaseng lalaki habang nagpapalaki ka sa anak mo.
Nako sis. I feel you before! Layasan mo sis! Kung siya di takot makunan ka, ikaw sis matakot ka kase ang ganyang tao di minamahal! Mas mahalin mo yung bagong dadating ngayon kung dika sinuyo pag umuwi ka at di nagbago nako ireklamo mona sa magulang mo ng maresbakan naman! Mahalin mo nalang yng bata! Tae naman iyang lalakin yan! Nakakamura!
Hirap naman po ng kalagayan niyo.. kung ako ang nasa position niyo matagal ko na nilayasan yan.. isipin niyo na lang po sa inyo nga nagagawa niya yan baka paglabas ng anak niyo e pagbuhatan niya rin kamay.. sa opinyon ko, ok lang magaway sa magkarelasyon di naman maiiwasan iyon pero ibang usapan pag may pisikalan, nakakagigil po lip niyo