share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Replies

Naku mamsh kawawa ka lang jan. Sana nung unang beses ka palang napag buhatan ng kamay iniwan mo na. D mo na po sana pinatagal tulad nyan ngayon magkaka baby na kayo mas lalong mahirap kumawala kasi sino ba naman gusto magkaron ng broken family diba? Ipa VAWC mo yan sis. Kasal kayo o hindi need nya mag sustento para sa anak nyo at pwede mo din sya kasuhan dahil sa mga pananakit nya sayo. Godbless you po

Hiwalayan mo na po wag kang matakot. Hanggang kelan ka magiging punching bag nya?.. Wag mong hayaan na kawawain ka nya ate girl.. Kc naksanayan ka na nyang saktan. At for sure patuloy at patuloy ka nyang ssktan.. And worst Wag mo ng hntayin na pati magiging baby nyo sktan nya nlng dn bgka.. Mga gnyan walang kwentang tao hinihiwalayan.. Napakairesponsableng asawa at magiging tatay yan..

Tang ina walang hiya yang asawa mo teh kung di ka makapagsumbong personally, i.pwesto mo camera mo sa safe na lugar na di nya makikita.. i. video mo at isend mo sa ate o magulang mo. d nmn ata tama yan may verbal abuse na nga, may physical injury pang nagaganap. Hihintayin mo pa bang may mngyaring malala sayo at ng anak mo? Wag sana mngibabaw ang takot mommy. Lalo na't para sa anak mo.

Hayy kung ako sau ate layasan mo yan hindi mo deserve ganyan lalaki makakahanap kapa nang lalaki mas tatagapin kau nang anak mo sa ngayon icipin mo muna anak mo kaya pls umalis kana jan wag ka mag paka martir jan sa asawa mo layasan mona kung ganyan ka demonyo nmn cya baka mapatay kapa nia jan kaya habang maaga umalis kana jan at wag mo ipakita saknya ung anak mo maawa ka sa sarili mo mommy

Awww. 😢 hiwalayan mo na yan. Masama sa baby natin ang naiistress. Baka makaapekto pa yan sa anak mo. Iwan mo na, hayaan mo na sya. Ako nasasaktan din pero hindi pisikal. Verbal nya ko sinasabihan ng masasakit na salita. Ngayon, nandito ako sa pamilya ko kasi ayoko mastress. Iwan mo na po yan. Wala yang maiidudulot na maganda sayo baka kahit manganak ka na di pa rin yan magbabago.

Alam mo nmn sa sarili mo na may magagawa ka, bkt parang hinihintay mo pang makunan ka sa ginagawang pananakit sayo ng lip mo? May pamilya ka at pwdeng pwde mo sya takasan or iwanan bkt parang isinusugal mo pa ang kaligtasan ng baby mo.. protektahan mo nman ang baby mo wala na nga pake lip mo sa pinagbubuntis mo tapos hinahayaan mo pa na ganyanin ka alam mo nman na pwde ka makunan.

Umuwi ka na sa family mo. Kapag patuloy mong tino-tolerate ang ginagawa niya sa iyo, hindi na 'yan matatakot na saktan ka paulit ulit hanggang sa may masama nang mangyari sa inyo ni baby. Wala na 'yang kunsyensya. Dadating sa point na hindi na 'yan matatakot na mapatay na kayo. Huwag ka na maghintay na mas malala pa diyan ang gawin niya sa inyo. LEAVE HANGGA'T MAY CHANCE KA.

lakasan mo po ang loob mo mamsh . iwan mo na siya para sau at para sa bby mo ang isipin mo nalang kung ganyan kalang dn nmn niya i treat just leave him . dika niya deserve baka kasi napang hihinaan kalang ng loob kaya dmo sia maiwan KAYA MO yan mamsh .. lalo pag nakasupport ung family mo dimu kylngn ng taong baklang gaya nia. mga.bkla lang nananakit ng babae hayp. sia

Umalis ka na, wag mong hintayin pati ung baby sa tyan mo mapahapak dahil sa pananakit sayo, kung kaya mong tiisin yung mga pananakit nya isipin mo yung anak sa tyan mo mas importante sya kesa sa kinakasama mo baka pag labas pa ng anak mo saktan din nya yan. Kahit gaano mo sya kamahal kung sobra na dapat marunong ka ding sumuko para sayo para sa magiging anak mo....

Hindi pa po huli ang lahat. Habang maaga pa at kaya mo kumawala sa kanya humiwalay kana po alang alang sa baby mo. Hindi magbabago ang ganyan at wag kana rin umasa na magbabago yan. Paulit ulit ka sasaktan niyan. Umuwi ka po sa inyo ng di nagpapaalam sa kanya. Sabihin mo sa family mo yung nangyayari sayo. Hindi na tama yan. Pwede mo kasuhan ng VAWC yung partner mo.

Trending na Tanong