20 weeks ultrasound
Hi mommy! Pasagot naman po kung ano po yung nasa ibaba ng ilong ng anak ko? Kasi sabi butas daw po ng ilong yan. Parang may hiwa sa ilalim ng ilong. Wala naman po sinabi sakin yung nag ultrasound sakin. Kinakabahan kasi ako na napapraning kung ano yung medyo hiwa or di lang maayos pagka print. Di ko po alam e 🥺
Check the report if may nakalagay dun na findings regarding that part. Discuss it with your OB para maexplain sayo. Ultrasound uses sound waves to create an image, it may not always produce sharp images and minsan may lines/shadows lang talaga pero wala namang problem. Keep in mind madilim sa loob. It could be anything or nothing. Don't stress out about it, masama sa buntis. Wait until madiscuss with OB. In any case tutulungan naman nila kayo.
Magbasa paAnong utz po ba ito mamshie CAS UTZ po ba yan? Kasi dun makikita talaga ung mabusisi na pag check kay baby head to toe. And kung meron po nakita na kakaiba or not normal sa utz nyo nakalagay po sa remarks or impression po yan ng utz mo mamshie. Better to consult ur OB para ma explain nya mabuti sau about dyn🙂
Magbasa paSalamat po sa pagsagot mommies! Last month pa po tong post ko. And natanong ko na po yung sonologist ko na wala lang daw po yan nakanganga daw po kasi si baby. And yung may white na line yun yung lips nya buong buo po. Walang palate. Salamat po sa lhat ng reply nyo 😊
kung yung sonologist di sinsabi sayo kami pa kaya? eh lalong hindi namin alam yan, mainam ipabasa mo yan sa eksperto at pa ultra ka ulit kung ano ba talaga yan momsh.
Momsh baka sa pag print lang po yan. Sasabihin naman po yan ng sonologist kung may kakaiba lalo na kung CAS po yang UTZ mo. Wag po masyadong mag worry at mastress.
Hingi po kayo sa OB nyo ng recommendation to do CAS, at 28weeks ata start non. Detailed test po yun to check the physical and internal organs ni baby.
better consult the experts po mommy kasi di namn po dito lahat marunong bumasa or makita kung may mali sa baby ☺️
Mas maganda po kung pakita niyo sa OB niyo yung result at picture ng ultrasound ninyo para siya po magsabi sa inyo.
Mahirap po makita momsh. If may worry ka po mas mabuti magpa3D or 4D ultrasound ka or pakita mo po sa OB mo.
Basahin nyo po yung sa "IMPRESSION/RECOMMENDATION" Makikita po dun if may "EVIDENT GROSS FETAL ABNORMALITY"