3 months postpartum feels
Hello mommies Nakakalungkot kasi wala akong ibang masabihan nito kundi dito lang. Ayaw ko kasing ijudge ng pamilya ko ang asawa ko. Yung MIL at FIL ko naman kahit ilang beses ko na sinabihan parang wala naman authority pagdating kay husband. Di sya nakikinig. In the end parang nagsisigawan lang sila. Only child po ang mister ko. Lumaki sya sa mga tita at lola nya. Pareho kasing nagttrabaho ang parents nya noon. Pareho din kaming nagwowork ngayon. Wfh ang setup ko from monday to thursday tapos sa office ako ng halfday ng friday. Mas naramdaman ko ung stress ng trabaho ko ngayon. Baka dahil breastfeeding din ako at madali ako madrain. VA po ako at HR Manager din. Feeling ko nga nakatipid ang client ko sa kin. Isa pa yan sa iniisip ko. Pagod na pagod ako sa trabaho ko ngayon. Si hubby, halos sa bahay lang din kasi pwede naman nya magawa ang work nya virtually. Pero once or twice a week pupunta sya ng office. Field work sya. Sya ang madalas na gumagawa ng gawaing bahay, pagluluto at paglalaba. Naglilinis din sya minsan ng bahay. Tatlo lang naman kami kaya di gaanong makalat sa bahay. Ang concern ko mga mommy, parang nadedepress na ako. Pag iniopen ko sa asawa ko, sasabihin lang nya magpacheckup ako. Pero pag papasama na ako sa doctor, tatamarin sya. May sasakyan po kami. Marunong akong magdrive pero di ko maiwan si lo, kaka3 months lang po nya. Di pa ako panatag na iwan sya sa tatay nya kasi pag nagbabantay sya puro celphone ang hawak. Gusto ko po sana ipagdrive nya kami papunta doon. Kaya lang madalas po syang tamarin. Nagsisisi nga ako na pinagdriving school ko pa sya. Akin po ang sasakyan. Nabili ko sya nung boyfriend ko pa lang sya. Pero dahil hulugan, nung magasawa kami, naghati na kami sa gastos. Pero lately lang nya pinaPMS ang sasakyan kahit sya naman ang gumagamit. Kailangan ko pa syang pilitin. Feeling ko unfair ako sa asawa ko. Pero pag naiisip ko na tuwing gabi mas gusto nyang nasa labas sya nakikichismis at minsan inuman sa kapitbahay, o kaya pag day off nya invite ng mga kaibigan nya dito para uminom, naiinis ako. Alam ko pong walang day off ang pagiging nanay. Pero paano nyo po ba ihandle ang ganitong bagay na nagttrabaho na kayo from Monday to Friday at the same time, nagaalaga ng bata? Mahal na mahal ko po ang anak ko. Rainbow baby po namin sya. At isa sya sa dahilan bakit nagttrabaho pa din ako. Iniisip kong maging full time stay at home mom na lang ako pero ngayon pa lang na bumaba ng konti ang sweldo ko sa asawa ko, ganito na, paano pa kung wala na akong trabaho? Madalas na kasi nya ako sigawan ngayon compared nung ako ung mas malaki ang kitq sa aming dalawa. Sorry po kung napahaba. Ang dami kasing thoughts sa isip ko na di ko maipalawanang ng mas maiksi. π. Salamat po sa mga babasa. Kailangan ko lang ilabas to kasi ung puso ko sasabog na.