Hello Mommies!
Long post po ito sana po may makapag advice sakin...
Ganito po kasi yun.
Before pa po may di na kami pagkakasundo ng inlaws ko. Nakabukod kami ako baby at mister.
About po ito sa ikinasasama ng loob ko sa parents niya. Lagi naman ako nagoopen sa kanila sa ugali ng anak nila (husband). Pero never ko nakita na kausapin man lang nila, or pagsabihan. At hindi lang yun din ikinasasama ng loob ko, hindi man lang nila madalaw yung apo nila before covid pa hanggang sa nagka pandemic wala pa din. Dumating yung time na di ko na talaga kaya ugali ng asawa ko, yung ugali niya na walang pakialam kahit napapagod na ako wala siyang kusa. Nagwowork naman siya, walang bisyo walang babae. Pero bakit ganun momsh? Ang sakin hindi lang don natatapos ang responsibilidad bilang isang ama diba? Obligasyon mo alagaan magina mo. Kahit hindi na nga ako eh kahit anak na lang niya. After work tulog na lang siya. Ako ito kukumagkag sa pagaasikaso sa baby namin. Buti na lang andito mama ko natutulungan ako. Kaya pag minsan kapag iihi ako naibibigay ko muna ang baby kay mama. Obligasyon niya na maging isang mabuting ama at asawa. Lagi ko sinasabi sa kanya magbago siya sa ugali niya sa lahat ng kilos niya dahil di na siya binata. Ikaw ba naman momsh, kahit sabihin mo pagod ka sa work, di naman tama na pagdating mo sa bahay tutulog ka na agad. Siyempre momsh umaasa din ako sa kanya yung mga bagay na di ko na kaya gawin dahil sa pagaalaga, inaasahan ko na gagawin naman sana niya. Then dumating time di ko na talaga matiis momsh. Feeling ko pagod na pagod na ako. Ayaw ko na ng ganitong set up. Humingi ako tulong sa magulang niya kasi sila lang alam ko makakatulong sa amin kasi sila lang alam ko pamilya ko dahil ksal naman kami. Sabi ko sa tatay niya. "papa pwede po ba humingi ng favor, pwede po ba ihatid niyo po muna kami sa province namin kasi nahihirapan na talaga ako sa anak niyo." Sabi ni papa niya"Sige check ko requirements" sabi ko napagtanong ko na po, aasikasuhin ko na lang po ang papers to travel. Di na niya ako nireplyan. Then after ilangcdays nakapagusap kami ng husband ko mejo naging okay pero buo parin loob ko na umalis na kasi nga nadala na ako puro usap tapos ulit na naman situation. Then napatanong ako ano sabi ng papa mo nung nanghihingi ako favor. Curious lang ako kasi ang tagal niya dun nung umuwi siya sakanila. Sabi niya sabi daw ng papa niya- bakit ka daw hihingi sa kanila ng tulong? Gulat ako tasnnaginit tenga ko sabi ko bakit sino ba dapat ko hingan ng tulong dito? Wala naman ako ibang kamaganak t matatakbuhan kundi sila lang? Diba momsh feeling ko pinagtutulungan nila ako.
Fastforward.
Then ito na nga momsh. everytime na magaaway kami lagi ko isinisingit sa usapan kung gano kasama ang loob ko sa magulang niya. And lagi ko napapansin na dindepensahan niya yun. Ni hindi man lang nya ako makampihan. Kampihan kasi magasawa kami.
Diba momsh bilang asawang babae ikaw gagawa ng like for example magbayad ng bills like pagibig housing loan. Since ako nagwork ako bayad center ako nagbabayad ng bills namin sa meralco. Sabi ko saknya why not tayo nalang magbayad ng bills sa pagibig kasi work naman ako bayad center. Hindi na daw mama na lang niya. Ang akin lang kasi momsh pasalo lang yung bahay para sana may proofs kami na kami na ang nagbabayad ng bahay nasa amin yung resibo. Resibo lang ang hinihingi ko kasi nga dati nagkaroon na ako problema sa meralco nung times na nagtaasan bills tapos di nila agad inaawas yung bayad na kaya nagemail ako meralco then sinend ko mga proofs na bayad ako why di nila niless. So yan po yung example ko kung bakit kailangan maging sigurista. Aba ang sabi sakin ng asawa ko bakit ko daw pinparatangan mama niya at bakit daw dadayain siya ng mama niya. Ang akin lang naman resibo lang hinihingi ko. Wala ako issue kung mama mo nagbabayad at binibigay mo sakanya yung pambayad. Ang sakin matic na yun dapat may resibo. Tapos momsh nakakalungkot lang kasi, di pa daw niya bahay yun kasi mama pa niya ang nagdown dun kaya di pa daw sa kanya yun. Ang buong akala ko kanya na yun. Ni hindi ko man lang alam ang buong kwento, tapos momsh buti na lang umuwi kami dito sa province nagarkila ng sasakyan. Baka kasi umasta akong sa amin yun tas bigla kami palayasin nung mga bwisit na yun. Ang masakit dun momsh pinatiles ng asawa ko at pinaganda namin yung bahay pero di pala samin yun sa mama pala niya yun. Ang pinaka nasasaktan ako kasi resibo lang hinihingi ko para bang wala ako karapatan malaman yung bagay na yun. Momsh tanong ko po ano po ba dapat ko gawin? Makipaghiwalay na ba ako totally? Iniisip ko naman po ang baby namin mag1yr palang. Pero momsh hirap na hirap na po ako halos lagi kami ng aaway di kami magkasundo! Nagsisisi ako bakit pa kami pinakasal, bakit siya pa. Napakaworst ko. Di talaga lahat perfect. Ang gusto ko lang maramdaman ko na kami nag magkakampi at hindi sila ng mama niya. Masama na ba ako non?
No hates po. Super depressed na ako. Ang gulo na ng isip ko parang lagi na ako binubulungan ng demonyo. Huhu
Sana mo matulungan niyo ako maliwanagan utak ko. Samga nakaexperience na po nito, ano po dapat ko gawin.