Magstay pa ba kay Mister?

Hello Mommies! Long post po ito sana po may makapag advice sakin... Ganito po kasi yun. Before pa po may di na kami pagkakasundo ng inlaws ko. Nakabukod kami ako baby at mister. About po ito sa ikinasasama ng loob ko sa parents niya. Lagi naman ako nagoopen sa kanila sa ugali ng anak nila (husband). Pero never ko nakita na kausapin man lang nila, or pagsabihan. At hindi lang yun din ikinasasama ng loob ko, hindi man lang nila madalaw yung apo nila before covid pa hanggang sa nagka pandemic wala pa din. Dumating yung time na di ko na talaga kaya ugali ng asawa ko, yung ugali niya na walang pakialam kahit napapagod na ako wala siyang kusa. Nagwowork naman siya, walang bisyo walang babae. Pero bakit ganun momsh? Ang sakin hindi lang don natatapos ang responsibilidad bilang isang ama diba? Obligasyon mo alagaan magina mo. Kahit hindi na nga ako eh kahit anak na lang niya. After work tulog na lang siya. Ako ito kukumagkag sa pagaasikaso sa baby namin. Buti na lang andito mama ko natutulungan ako. Kaya pag minsan kapag iihi ako naibibigay ko muna ang baby kay mama. Obligasyon niya na maging isang mabuting ama at asawa. Lagi ko sinasabi sa kanya magbago siya sa ugali niya sa lahat ng kilos niya dahil di na siya binata. Ikaw ba naman momsh, kahit sabihin mo pagod ka sa work, di naman tama na pagdating mo sa bahay tutulog ka na agad. Siyempre momsh umaasa din ako sa kanya yung mga bagay na di ko na kaya gawin dahil sa pagaalaga, inaasahan ko na gagawin naman sana niya. Then dumating time di ko na talaga matiis momsh. Feeling ko pagod na pagod na ako. Ayaw ko na ng ganitong set up. Humingi ako tulong sa magulang niya kasi sila lang alam ko makakatulong sa amin kasi sila lang alam ko pamilya ko dahil ksal naman kami. Sabi ko sa tatay niya. "papa pwede po ba humingi ng favor, pwede po ba ihatid niyo po muna kami sa province namin kasi nahihirapan na talaga ako sa anak niyo." Sabi ni papa niya"Sige check ko requirements" sabi ko napagtanong ko na po, aasikasuhin ko na lang po ang papers to travel. Di na niya ako nireplyan. Then after ilangcdays nakapagusap kami ng husband ko mejo naging okay pero buo parin loob ko na umalis na kasi nga nadala na ako puro usap tapos ulit na naman situation. Then napatanong ako ano sabi ng papa mo nung nanghihingi ako favor. Curious lang ako kasi ang tagal niya dun nung umuwi siya sakanila. Sabi niya sabi daw ng papa niya- bakit ka daw hihingi sa kanila ng tulong? Gulat ako tasnnaginit tenga ko sabi ko bakit sino ba dapat ko hingan ng tulong dito? Wala naman ako ibang kamaganak t matatakbuhan kundi sila lang? Diba momsh feeling ko pinagtutulungan nila ako. Fastforward. Then ito na nga momsh. everytime na magaaway kami lagi ko isinisingit sa usapan kung gano kasama ang loob ko sa magulang niya. And lagi ko napapansin na dindepensahan niya yun. Ni hindi man lang nya ako makampihan. Kampihan kasi magasawa kami. Diba momsh bilang asawang babae ikaw gagawa ng like for example magbayad ng bills like pagibig housing loan. Since ako nagwork ako bayad center ako nagbabayad ng bills namin sa meralco. Sabi ko saknya why not tayo nalang magbayad ng bills sa pagibig kasi work naman ako bayad center. Hindi na daw mama na lang niya. Ang akin lang kasi momsh pasalo lang yung bahay para sana may proofs kami na kami na ang nagbabayad ng bahay nasa amin yung resibo. Resibo lang ang hinihingi ko kasi nga dati nagkaroon na ako problema sa meralco nung times na nagtaasan bills tapos di nila agad inaawas yung bayad na kaya nagemail ako meralco then sinend ko mga proofs na bayad ako why di nila niless. So yan po yung example ko kung bakit kailangan maging sigurista. Aba ang sabi sakin ng asawa ko bakit ko daw pinparatangan mama niya at bakit daw dadayain siya ng mama niya. Ang akin lang naman resibo lang hinihingi ko. Wala ako issue kung mama mo nagbabayad at binibigay mo sakanya yung pambayad. Ang sakin matic na yun dapat may resibo. Tapos momsh nakakalungkot lang kasi, di pa daw niya bahay yun kasi mama pa niya ang nagdown dun kaya di pa daw sa kanya yun. Ang buong akala ko kanya na yun. Ni hindi ko man lang alam ang buong kwento, tapos momsh buti na lang umuwi kami dito sa province nagarkila ng sasakyan. Baka kasi umasta akong sa amin yun tas bigla kami palayasin nung mga bwisit na yun. Ang masakit dun momsh pinatiles ng asawa ko at pinaganda namin yung bahay pero di pala samin yun sa mama pala niya yun. Ang pinaka nasasaktan ako kasi resibo lang hinihingi ko para bang wala ako karapatan malaman yung bagay na yun. Momsh tanong ko po ano po ba dapat ko gawin? Makipaghiwalay na ba ako totally? Iniisip ko naman po ang baby namin mag1yr palang. Pero momsh hirap na hirap na po ako halos lagi kami ng aaway di kami magkasundo! Nagsisisi ako bakit pa kami pinakasal, bakit siya pa. Napakaworst ko. Di talaga lahat perfect. Ang gusto ko lang maramdaman ko na kami nag magkakampi at hindi sila ng mama niya. Masama na ba ako non? No hates po. Super depressed na ako. Ang gulo na ng isip ko parang lagi na ako binubulungan ng demonyo. Huhu Sana mo matulungan niyo ako maliwanagan utak ko. Samga nakaexperience na po nito, ano po dapat ko gawin.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I agree po na dapat kinakampihan at dinidepesahan ka po ng husband mo. because the two of you are a team. In-laws may act like that most of the time, but it really shouldn't matter. Dapat kayong dalawa ang magkakampi kahit anung mangyari. HOWEVER, I sometimes think that ang mga lalake pag gusto nila ng escape, either maglalaro sila ng ol games OR itinutulog nalang nila. Ganun kasi husband ko, lalo na nung first two pregnancy losses namin. Nagalit pa ako sa kanya. Akala ko wala syang pakielam sa nangyari sakin at sa mga baby namin na nauna. Pero nung kinausap ko sya after such a long time na wala syang kibo tapos tinutulog lang nya, umiyak sya sakin kasi ang sakit sakit narin pala ng loob nya. Of course, yung ikaw lang yung kumikilos para sa baby nyo, it's unfair to you AND your baby. Dapat maramdaman nya rin na anjan yung tatay nya. Kailangan nyo po talaga mag-usap. Based po sa kwento nyo, nakakapagusap lang kayo about sa parents nya and everything pag nag-aaway kayo. Hindi po maganda yun kasi parehas kayong galit at stressed. Just be honest with him po and ask that he also be honest with you. Sabihin mo sa kanya na pagod na pagod ka na talaga at pag walang nagbago, uuwi ka muna sa parents mo kasi hindi mo na talaga kaya na ikaw lang nag-aalaga kay baby OR magtatabi kayo ng budget para sa katulong. Ask him to also lay his cards on the table. I said earlier, you two are a team. You need to keep going as a team to make this work. Good luck po, mommy! Cheering for you and your hubby. Para po sa baby nyo, try to make your marriage work. 💙 kailangan nya po kayo pareho.

Magbasa pa

Hi momsh. Normal lang sa babae na gusto nila na tinuturing silang prinsesa since we women were created to be like that. But remember this: before he became a husband, he was a son. For many years ang loyalty nya ay sa magulang nya bago nagshift sayo. At may mga lalake na hindi agad agad nagshishift ng loyalty. Hindi ko alam ang family background nya but it’s obvious na close sya sa family nya. Yung pagsasabi mo ng di mo gusto sa parents nya ay baka masakit sa part nya, hindi lang nya sinasabi sayo. Sa part din ng family nya, natural na mas kampihan nila ang anak nila kaya hindi nila pinagsasabihan. Kaya it would be better po na ang sabihan nyo tungkol sa marital problems nyo ay yung kaclose nyong Ninong at Ninang sa kasal na strong din ang marriage para mabigyan kayo ng magandang advice. Afterall, sila po ang 2nd parents nyo. About sa di kumikilos yung hubby mo, natry mo na ba syang kausapin nang masinsinan? Minsan kasi tayong mga babae ang iniintindi lang natin ay ang nararamdaman natin. Hindi natin iniintindi yung feelings ng asawa natin. Hindi po sagot ang hiwalay dahil na-inconvenience tayo. Desisyon ang pagsama at pagpapakasal. Desisyon din ang pananatili sa kasal. Lagi po natin tandaan na yung vow nagin nung kinasal tayo. “For better or for worse”. Hindi ko po alam ang background story nyo pero sana you find this helpful po. 🙂

Magbasa pa

Di ko na tinapos, super haba. Pero sis dumadaan din ang mga lalaki sa post partum. Hindi lang tayong mga babae. From binata to daddy malaking adjustment din un sakanila. Ang coping mechanism nila is matulog o sumama sa barkada, maginom, online games worse mambabae, pero deep inside super stress nadin sila. Di lang sila masalita o makwento ng nararamdaman nila.. Magusap lang kayo sis. Sabihin mo pag di ka padin nya matulungan uuwi ka na muna sainyo or kung kaya ng budget kuha ka ng maid para may katulong ka sa gawaing bahay. Kasi mas mahirap ang magalaga ng bata maglalaba maglilinis ka pa ng bahay kesa magtrabaho sa labas. 24/7 ang pagaalaga ng bata. Need mo din magpahinga. Or pag day off nya sabihin mo sya muna magalaga, mag papedicure and footspa ka lang tas uwi ka na din agad. Atleast nakarelax ka nawala ang stress ng ilang oras. And pray ka lang din lagi sis. Di solusyon ang hiwalayan dahil alam natin babalik at babalik ka padin sakanya.

Magbasa pa
VIP Member

Hi Momshie baka dumadaan lang po kayo sa Post Partum depression ,Ang magandang gawin mo kausapin mo ng mabuti asawa mo ,Wag po kayo pauwi uwi kung masama loob nyo kasi makakasanayan mo yan ang maganda ayusin nyo yan agad kung ano yung hindi nyo pag kakaunawaan. Mama niya parin kasi yun kaya kakampihan nya yun ,buti nga may work husband mo ,walang babae at higit sa lahat walang bisyo diba?? OH HINDI SIYA SAKIT SA ULO marami kasi ibang asawa na sakit lang sa ulo hays. Sana pag isipan mo nang 100 daan beses bago ka makipag hiwalay .Tayong mga Nanay talaga sa mga gawain bahay tayo at pag aalaga ng bata maswerte na lang kung tumulong si Hubby sa gawain bahay .kausapin mo si hubby tulungan ka man .Siguro naiinip ka lang dahil malayo ka sa pamilya mo ganyan din kasi ako naiinip ako bahay ng biyenan ko simula ng kinasal kami ng husband ko ,Thankful ka pa nga dahil bukod kayo kami hindi bukod talaga kaya medyo naiirita ako at nahihirapan kumilos :)

Magbasa pa

na experience ko din po lahat yan..for first 3 years ng pgsasama namin with our 2 kids..sobrang daming ups and downs..and mas naging worst pa nung nmatay Yung father ko at naikasal na kami..lasinggero Kasi sya, dumating din sa point na ngbbasag sya ng bote..oo may time na ngsasawa ako umuuwi ako sa nanay ko..pero ulit ulit nya din akong sinusundo at naguusap kami...hnggang sa narealize ko na dapat akong maghintay..I think na maybe in time..makikita nya din Yung worth ko at mkikita nya din Yung struggle ko sa in-laws ko..and yun na nga for almost 9years..eto pa din kami.. mgkasama pa din at mas nagkaka intindihan na..ksama Yung 2 kids namin at may paparating pang Isang angel sa buhay namin.. need nyo din talaga ng msinsinan paguusap..and you need to accept Kung nasaan situation ka ngayon..Alam po natin na mahirap pero dadating din Yung time na magiging masaya Yung pgsasama nyo Lalo na Kung pareho kayong open sa isa't isa.❤️

Magbasa pa

Ang haba momsh 😅. Ramdam po kita kasi ganyan ako dati, nung mga unang taon na nagsama kami. Tayo kasing mga babae ang gusto ay binibeybi tipong gusto gawin prinsesa. Pero hindi po kasi ganon ang asawa ninyo. Ang dami nyo pong expectations sa kanya at sa pamilya nya. I guide nyo po ang asawa nyo sa pag tulong sa inyo na may lambing wag po yung tipong lagi nyo syang ni rereklamuhan (parang bata). Hanggang sa masanay sya sa pagtulong sa inyo. O kaya naman po kung talagang walang pag babago, i set nyo na sa isip nyo na di nya talaga kau matutulugan sa gawain bahay para po di na kau umasa. Wag nyo gawin option ang hiwalayan. Isipin nyo na may anak at kasal kau. Tiis po at mag adjust kau pareho sa mga ugali nyo. I reverse psychology nyo sya mommy.

Magbasa pa

hi mamshie. sa totoo lang wala ka namang dapat ika problema, feeling ko its all in the head maybe post partum depression. First of all, may hiwalay na kayo na buhay ng asawa mo. Your in laws are just there, oo family mo na din sila pero hindi mo po dapat inaasa mga bagay bagay na pwede mo muna pagusapan nyo ng husband mo, realtalk iba na kase talaga pag may asawa na ang anak depende nalang sa magulang kung tutulungan nila kaya wag kang umasa. Maswerte ka pa din sa asawa mo kase wala siyang bisyo or kung anuman. Intindihin mo ding pagod din yan sa trabaho mamshie.. being a wife and a mother is being self less. Kelangan mo magadjust ng bongga sa buhay may asawa it will take time pero patience and prayers will help. 🙂

Magbasa pa

Kulang lng kyo sa pagkakaunawaan, alaga, tsaka baka naman dumadaan ka lang sa post partum sis, wag ka padalos dalos ng desisyon, mabait pa nga ang asawa mo kasi hindi ka naman niloloko, sinasaktan at walang babae, mas madami pang babae na mas worst ang naging asawa nagiging masyado ka lang tlgang emotional sis... Wla naman masama ginagawa in laws mo eh.. Dapat kayo mismo ni hubby mo ang naguusap tungkol sa problema nyo mag asawa, bka nmn kasi pagod at stress din si hubby mo, may times lng n masyado tyong sensitive mga babae, feeling ntin api na agad tayo which is not, msyado lng tlga tyo emotional... Hindi solusyon ang hiwalay dahil sa napakababaw na dahilan. Godbless you, kya mo yan sis, need mo lng mging open minded

Magbasa pa

maswerte kpa din sa asawa mo mommshh. yng prob na cnsabi mo kulang lng kau sa masinsinang paguusap bilang mg asawa. iba2 lng tlga ang mga lalaki xe samin ng asawa ko ako tlga kinakampihan nya khit sa point na mali nko ako pdin un ang nagustuhan ko sa asawa ko tlga. icpin mo pdin ang anak mo,hindi laging hiwlay ang solusyon sa problem momsh. buti nga wlang bisyo asawa mo eh.ung iba nga mabisyo na,nananakit pa,wla png work.try mo din momsh tgnan sa ibng side ang asawa mo wag lagi ung side na ayaw mo s knya. wlang perpekto tlgang relasyon pero nsa bwat tao un kung panu dalahin. contentment ang mhalaga hindi pagiging perfect ng relationship. Mgpray ka din momsh pra mgkaron ka ng peace of mind..Godbless u momsh😇💙❤

Magbasa pa

naoover stress ka lang siguro momsh. although ramdam kita sa part na kahit papano dapat inaalagaan pa rin tayo, or siguro mas tamang sabihin na 'inaalalayan' tayo ng partner natin lalo't kakapanganak lang natin. halos same po tayo ng situation. ang kaibahan lang siguro, di ako pinakasalan, wala ako sa poder ng lalake, at kulang kulang ang sustento sa anak ko. oh di ba? mas malala pa sitwasyon ko. 😂 kaya nga nagdecide ako na itigil na. but in your case po, kasal kayo, itinira ka nya nuon sa poder nya, bukod pa kayo. ikaw ang bahala po momsh, kung ano sa palagay mo ang makakabuti. habang andyan ka sa inyo isipin nyo pong mabuti, wag po padalos dalos kasi baka pwede pa naman maayos. ok? god bless po. 😊

Magbasa pa