236 Replies

Nung hinde ko pa naranasan ang pagtaksilan sinasabi ko din sa sarili ko na KAILAN MAN HINDE KO MATATANGGAP PAG PAGTAKSILAN AKO NG ASAWA KO KAHIT ANONG STAGE PA YAN NAG PAGCHECHEAT NIYA! Pero nung naranasan ko na walang mapaglagyan ng sakit ung gusto mong magpakamatay! 3 months na iyak ako ng iyak, hinde makatulog hinde makakain nangangayayat! Ung asawa ko halos lumuhod sa kakahengi ng tawad, umiiyak na huwag kung iwanan! Inaamin niyang nagkamali siya pero hinde daw ibig sabihen ay hinde niya ako mahal! Naging gago nga daw siya kaya deserve daw niya na huwag ko siya pakisamahan! Huwag respetohin tatanggapin daw niya lahat basta huwag ko lang iwan! Sabi niya kapag gagawin daw niya ulit ang ginawa niya siya naraw mismo ang pupunta sa kulungan! Wala akong pinaniwalaan sa mga salita niya dahil ang tingen ko sa kanya sinungaling! Mababang uri! Pero habang tumatagal naiisip ko nagpakasal ako sa kanya kahit saan ako magpunta dala dala ko na ang apilyido niya at inisip ko din ang haba na ng taon na kasama ko siya bumuo ng buhay kaya sabi ko sa sarili ko bakit ko ibibigay ang taong nanakit sa akin sa iba gayoy nagmamakaawa ito na huwag kung iwanan! I choose to stay hinde dahil hinde ko kayang mabuhay ng wala siya o tumayo sa sariling paa! I choose to stay para makita niya ung taong sinaktan niya! Nanatili ako pero wala na akong pakialam sa kanya pero syempre hinde ko ginagawa ang ginawa niya dahil may respeto ako sa sarili ko.. Siguro time will come na makalimot din ako at mabalik sa dati pero sa ngayon magsuffer mona siya.

Yes. Lalo na kung may anak na kayo. At kung kilala mo naman ung asawa mo na hindi talaga babaero kundi nagkamali lang talaga. I've been there and nalaman ko pa yung affair niya when I was 12 weeks pregnant sa 1st baby namin. Ang masakit na part na natuklasan ko. Mas una pa pala niyang nabuntis ung other girl but maybe blessing in disguise din siguro na hindi natuloy yung pinagbubuntis ni girl and after a long years of waiting bigla akong nabuntis. I gave him a 2nd chance kasi ayokong ipagdamot sa magiging baby ko yung chance niyang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Kahit sobrang sakit at mahirap kalimutan kinaya ko para sa anak ko. Now, 7 yrs old na ang 1st baby namin and we're waiting for our 2nd baby this coming September 😊. And kahit mahirap ang buhay I'm happy with the choice I have made. Masaya kami at wala nang sasaya pa tuwing nakikita ko yung panganay ko na laging masaya makipaglaro sa Papa niya. ☺️

depende syo maam kung kaya mo..kc ako te ilang beses inulit ulit lokohin lalo na nung bago kame kasal as in hnd pa umuuwi n bahay sa ibang bubong nakikitulog🤣😂oo msakit pro kht anong away o galit gawin ko s knya o pagsabihan no efect kaya gnwa ko nanawa na ako hinayaan ko nalang...pro na realize nya kung gno ko katigas after a year nagbago kusa ☺️believe it or not tlga nagbago mahaba story kc hnggang ngayon super bait na almost 12 years na po kme 3years nya po ako niloloko nung cmula..pro ngayon😉super hapy ako nabgyan ko sya 2nd chance pra magbago ngayon sunud sunuran sken😂pag sinbi ko s bahay lng s bahay lng pg snbi ko mgksama lng kme as in hnd aalis kht lumabas tndahan mag papaalam pa kht san mgpnta hnd aalis n d ako ksama😂depende dn s lalaki kung bukal ang loob magbago

i appreaciate ur patience mommy..sobrang tatag mo kasi nalagpasan mo..sana ganun din ako

Yes. Sa kabila nang lahat pwede naman talagang magbago ang tao nakakapagpatawad nga ang Dios tayo paba? Well sakin makakaya ko kahit 3rd chance pa para sa mga anak ko. Madaling sabihin no dahil sa sakit pero kahit kaya pa nating buhayin ang mga anak natin na tayo lang maghahanap talaga sila ng aruga ng ama..At kung nagbago na talaga sya napagsisihan at napagtanto nya mga mali nya why not. Sabi nga nila forgive and forget kahit na sa totoo ehh hindi naman talaga nawawala ang sakit. Time heals all wounds tsaka ang second chance nabibigay lang naman sa mga deserving pero kung pinatawad mo na at ginago kapa ay ibang usapan na yun.. Yan ay opinyon ko lang naman based on my personal experience nasa sainyo parin ang desisyon 😊

yes. yung totoo. kasi in terms of love hindi mo naman masasabi n last chance na yun, aminin natin lag mahal ntin isang tao we gave unlimited chances pero nasa tao pdn un. well yung partner ko niloko nya ko before and i hate the fact na ngawa nya un pero ldr kami and i understand him nung nlmn ko side nya bngyan ko sya ng tyansa ult para patunyan na nagsisi sya and guest what, nagabago sya and he became a better version of him nakakataba ng puso kasi bawat oras pinaparamdam nya un at wala akong pinagsisihan. now preggy ako 27 wks and mas lalo nyang pinakkta na mahal na mahal nya ako at si baby 😊💞 . ps. sguro depende pdn sa papatawarin ntn if they change or worth it ba sla. kayo nlng mag judge . 😊

Yes. Lalo na kung nakikita mong magbabago talaga sya at pag may mga batang maaapektuhan. As a mother, you will not just think of yourself but also you will think of your children. I gave my husband a second chance four years ago. I am pregnant that time for our first baby. Inisip ko na lang, baka dahil matatapos na ang buhay binata nya kaya nya nagawa yun. And to my surprise, nung tinanong ko sya bakit nya yun nagawa, same reason nung naisip ko. Now, masaya kami at mag tatatlo na rin babies namin and never nya na nagawang magloko after that incident.

For me. I give another a chance kung ang diyos at. Magulang mo marunong mag patawad ikaw pa kaya..darating ang time malalaman nya din na mali sya..una sa lahat paano mga anak nyo pinagkaitan mo mawalan sila ng tatay..habang nagsasama kayo ipakita mo sa kanya maganda/sariwa/fresh ka magpaganda ka alagaan mo sarili mo..anu ba dahilan nya at ng babae sya..puro burit lng yan mga lalaki hindi naman kaya ang 3round..haha tapos may gana pa mang babae..sa babae lng yan wala ka kasi time sarili mo..

For me yes, nahuli q sya thru txt, but that was when we are not already married pro may isa na kming anak that time, oo, pinatawad q sya, after a year ngpakasal na dn kmi, and simula nung ngpakasal kmi tlgang nkita q ung sincerity nya sa pgbabago, maybe kya nya lng un nagawa kc nga we're both young that time & cguro d pa sya fulfilled sa pagiging buhay binata' ang mga lalaki nmn kc kng mahal ka tlga nila, mgbabago yan, lalo na kng mahal dn nila ang mga bata❤

Naranasan ko yan. Sobrang sakit sakin. Pinatawad ko pero hndi lang pala isang babae. Policeman ang naging asawa ko at totoo pala.amg kasabihan pulis matulis. Maraming dahilan rin buhay binata puro barkada at inom, mamas boy, at hndi nagbibigay para sa bahay. Hiniwalayan ko siya hanggang sa nagkaroon ako ng bagong buhay. Dahil saknya na mismo nanggaling na mag hanap aq ng mas better saknya. Hanggang ngaun hndi pa kami annul.

Everybody deserves a second chance ❤️ but for me it depends upon the situation. If ever na mag cheat sya, hindi agad ganun kadaling magpatawad pero sa huli you find yourself na bibigay din lalo na kung sincere talaga sya sa pag hinge ng sorry and gagawin nya lahat para maayos agad yung conflict between you and him 😊 And I accept the fact na yung ibang babae marurupok din (like me) HAHAHA

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles