Damit ni baby pag may lagnat

Hello mommies tanong lang po Pag may lagnat ang LO niyo ano po pinapasuot niyong damit? Yung balot ba (pajama, longsleeves, medyas) o yung medyo presko po? Palaging debate po kasi samin yan lalo yung mga matatanda o lola nila na dapat daw balutin yung baby. Actually kahit walang lagnat, balutin daw po hehe. Gusto ko lang po sana maliwanagan PS. 10 months old na po si LO ko. Thank you po

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

prang tyu lang Yan mga matatanda pg nilalagnat nilalamig dba , pg 1 to 2 or 3days binabalot ko tlga pati kumot . tpos naka bimbo tym to tym binabasa pti kili2 . 3 to 4 hrs and paracetamol. pg mga 2days di pa bumababa lagnat , observe mo na at bka may ubo o ano kya nilagnat. kung sundin mo nmn ang millennials ngaun , ayaw nilang balutin . ginawa ko yan one tym sa baby ko ang nangyri nagconvulsion . kya never na aq naniwala sa knila buseeet tlga aq dlwa na anak ko frst tym nangyri un dhil sinunod ko na ndi balutin.

Magbasa pa

Pag may laganat, make sure na comfortable ang damit and comfortable ang environment. Never ibalot mas lalong tataas ang temp. Put a damp cloth sa noo to lower temp. U can also wipe their arms, underam, legs to help lower temp. Make sure na ang temp is 37.8 and higher f papainumin ng meds. Discuss more about it with ur pedia para mas makampante ka.

Magbasa pa

wag po ibabalot ang baby kapag may lagnat lalo na kung sobrang taas ng lagnat, bilin yan ng doctor or kahit na sinong pediatrecians hindi po nakakalabas yung lagnat kung ikukulob may possibilities na mag siezure due to high fever ,mataas din chance na madehydrate sya

just comfy clothes- saktong wag balot na balot lalong iinit ang katawan ni baby. wag din masyadong open o presko like sandong manipis, shorts etc at mabilis din malamigan naman ang baby

Nung na-hospital baby ko, napagalitan ako ng doktor sabi kapag nilalagnat wag daw balutin ang baby kasi di makakasingaw yung init ng katawan... Dapat daw nakakalabas sa talampakan yung init...

1y ago

Ah ok po so dapat di medyasan?

TapFluencer

yung comfortable sa environment niyo po. wag ganong balutin kasi di makakasingaw yung init and much better if papaliguan niyo po siya ng warm water not cold para mapreskuhan

Hindi po dapat balot na balot pag may lagnat. Mas ok na presko lang. Tsaka po no need naman balutin si baby. Dapat freely ang galaw nya at maginhawa kasi malikot na din yan.

presko pero di lalamigin. hindi makapal na panjama and shirt na di mainit sa balat. sa sando kasi baka lamigin, sa longsleeve naman mababad sa pawis likod

1y ago

Tama ganito din ginagawa ko. Ang dami kasi nagsasabi na matatanda dito na dahil daw balutin maigi e

Baby ko nasanay na sya matulog naka spaghetti lang taz minsan diaper nalang pag mainit panahon kahit my lagnat ganun pa din spaghetti at naka diaper lang

nappy lang suot ng kids ko pag may lagnat. make sure lng na walang fan. need ma release yung init ng katawan