usapang kasal

Hi mommies! Tanong lang... bakit di pa kayo kasal ni partner? 071920

usapang kasal
137 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ipon muna kami, wag po sana masamain peru, alam naman namin yung goal namin para sa future. tsaka wala naman kami problema sa both side family.

August talaga dapat kami magpapakasal kaso na lockdown . Hindi na kmi nakapag ayos ng mga documents na kailangan .. Kaya ngaun plang kmi nkkpag ayos.

Naunang dumating si baby...sana makaipon kami ulit after ng gastos sa panganganak siguro matatagalan pa..kasi unahin pa din namin yung binyag nya..

Ayaw nya kc ng simpleng handaan lang. Gusto nya bongga nakakahiya daw sa mga kamag anak nya. Pero sabi nya naman saakin papakasalan nya ako.

Kasal kmi civil wedding.. kaso yung church wedding na pangarap nmin di muna.. unahin muna nmin mga needs ng kids pati ipon ng panghulog sa bahay😊

4y ago

Kasal ka naman ah? Ang tinatanong yung hindi naikasal church man o civil.

inabutan ng lockdown 😅 hahaha march sana seminar bawal na daw August nmn alis nya na ulet . nxt yr nlng ulet pag uwi nya

Kasi d padin kami ganun talaga katagal pero if matagal2 n at nakilala n talaga lubos isat isa , no doubt kakasal talaga :)

VIP Member

Practical na kasi ngayon mas better na unahin muna na mag build nga financial stability ng family before getting married.

Kasal pa siya sa una😂. Okay lang naman 8 years na kaming nagsasama, may mga tips ba kayo para mapabilis ang annulment😅

4y ago

pera lang talaga momsh at dapat friend mo ung lawyer kasi pag hindi, pinatatagal nila yan para syempre, every court appearance, babayad ka.. minsan mga lawyers ng both parties pinag uusapan pano patatagalin 😅

just to be honest pinangarap kong makasal dn sa taong mahal ko but sad to say kasal na pla sya sa una at un dahilan kung bkt d kme pwedi ikasal....