usapang kasal
Hi mommies! Tanong lang... bakit di pa kayo kasal ni partner? 071920
kami ou. it's a bit funny to think saan kami ikakasal since Roman Catholic sya tapos ako born again. no one wants to convert sa ibang religion so sa huwes kami ngpakasal para walang problema hehe
Busy sa work . pero dapat this year kaso pandemic namn.. baka December nalang kay mayor lang para mura at simple lang .ang importante makasal . no to ingrandeng kasal kame .😅
Hindi pa po kasi sya pumipirma sa kasunduan namin na bawal mag patulfo pag nag away kami. Saka na kami papakasal pag pumayag syang walang tulfo na involve 😂
Wala pa budget naubus ipon sa panganganak because of complications but worth it naman ❤ hopefully after 1st bday ni baby and christening (sabay) makapag pakasal na kame ❤
Civil sana bago lumabas si Baby kaso di na makalakad ng req. saka gusto namin makapagcelebrate with friends and family kaso di nga matuloy dahil sa pandemic. Sad😔
saka na siguro kami magpapakasal pag nalabas na si baby at nabinyagan. sa ngayon kasi dami namin gastos, pero syempre lagi namin napag uusaoan yung kasal and sobra kaming excited parehas
pwede na din isabay ang kasal sa binyag ni baby para minsanan ang gastos at preparation 😊
he's still studying and I'm still yet to find a new job. unplanned pregnancy po kasi nangyari, but we definitely have plans in tying the knots. about 2-3 years from now, maybe :)
Gusto namin parehas simbahan ikasal. pero wala pa kame ipon. me Baby pa kame darating. Pero sabi ko kahit sa Civil nalang kame muna. Saka na sa Church kapag talagang me pera na kame.
civil or church wedding walang problema doon momsh 😊
kase may problema pa po sa requirements ko hehehe 24 palang kase ako need pa ng parents consent death na kase mama ko nagka problema sa last name niya at middle name ko.
baby muna . pero mas gusto ko civil.lang . less gastos , pareho rin naman ang kalalabasan . magiging apelyido morin naman ng apelyido nya . hehe
Mom of my Little Bundle of Joy (Ali❤)