lying-in o ospital

hi mommies, survey lang po kung ok din ba sa mga lying-in clinics or birthing home. Gusto kasi namin ng asawa ko normal lang as much as possible. Sorry po kasi may mga ospital na mahilig mag emergency cs kahit di namn kailangan, parang ang hirap mapanatag, unlike sa mga lying-in na normal delivery tlaga ung forte nila.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pag sa lying in kahit anong gusto nyo po kung may mga risks po kayo hndi din kayo tatanggapin and much better po pag panganay ang anak sa hospital po talga since mas mahirap umire pag first timers. Sa pag CS naman po sa hospital hindi naman po agad agad na kung gustohin lang ng doctor or kung tinatamad sya magpa anak sa normal...may kinoconsider po sila regarding sa state ng pag labor or pregnancy ng mothers...like pag suhi ang baby iniisched nila ng maaga para sa CS pero ichecheck parin nila on the day naka sched ka if mag nonormal parin position ni baby..may kakilala po akong ganun kala nya cs sya pero sa araw na hihiwain na sya nag cephalic si baby, meron din naman po senaryo na tumaas bigla bp ng mother which is nakikita ng doctor na super stress na si baby sa tyan at delikado na pag labas ng normal kaya CS talga, meron naman yung ayaw mag labor kahit na induce na hndi parin nag oopen yung cervix kesa naman makakaen na ng poop si baby ineemergency cs na, meron naman din po na naubusan na ng panubigan delikado po yun pag ipilit pa ilabas ang baby mamatay lang kaya emergency cs parin. pwede din naman po super laki ni baby or yung ulo ni baby kaya na cCs. Meron nga ako nakita sa hosp nung nagpa check up ako nag lalabor na yung mother gusto nya ics sya dahil nahhrapan na sya ayaw talga pumayag ng doctor...alam naman po nila kase ng doctors kung kaya naman iCs or hndi. hndi po natin talga alam kung ano mangyayare satin sa oras na lalabas na si baby basta ang magagawa natin is pray at paghandaan lahat ng posible mangyare...34weeks preggy here nasasabe ko to kase ang baby ko paikot ikot minsan suhi minsan hndi kaya pinagppray ko nlng na sana masaktuhan sa oras na mag labor ako eh hndi sya suhi

Magbasa pa

ung cs kc sis.. depende yun sayo e.. ako hosp naman nanganak pero never naman inadvice cs.. nung naglalabor ako may kasabay kc ako sa labor room ung isa nag iinarte..actually parang panakot yan nila like sasabihin nila kung mag iinarte gusto mo cs na lang? haha so sa tingin ko mind set yan... nakakadala kc n damdamin like sa sobrang takot manganak d maka ire ng maayos or di sinusunod advise ng ob pagsinabi nila na malayo or maliit pa buka ng cervix relax lang pag sinabe ere. ere ka.. wag sisigaw. actually may coaching naman si ob at nurse na kasama sa delivery room basta makinig lang lagi sa sasabihin nila kung sinabi habaan ang ere sundin mo.. based sa experience ko kc ganun e.. una napapasigaw ako sinaway ako. hehe actually may time na d ako na eere pero sabi nila ere sinunod ko lang..haha. tas sasabihin nila cge pa.. like non stop ere kc andun na ulo ayon.. successful delivery naman.. hehe

Magbasa pa

ok namn po sa lying in lalot normal namn ang pregnancy. pero we cam never tell kung ano talagang mangyayari habang naglalabor or nanganganak kaya mas prefer ni hubby na sa hospital nalang ako manganak dito sa 2nd baby namin. if anything happens atlist andon na agad sa hospital... pero pray pa rin kami na sana maipanganak si baby ng maayos...

Magbasa pa

kung hindi ka po high risk magbuntis ok naman po sa lying in. pero kung high risk ka, mas ok kung ospital kasi mas kompleto sila ng medical facilities.kasi may mga unexpected tlga na case na pwede ka maCS like nakapupu na si baby. d naman po ako naniniwala na nagCCS ang ospital kahit d kailangan. nasa condition po tlga ng pagbubuntis yun.

Magbasa pa

mas ok po ang ospital kesa lying in lalo kng maselan pgbubuntis, sa lying in kasi hnd complete facilities..minsan wala pa incubator or kpag di k nila kaya handle during labor, irerefer k sa ospital..ang CS nmn po depende sa sitwasyon mo at sa OB mo din, khit gustuhin m mgNormal kung high blood ka or malaki si baby, CS k tlaga

Magbasa pa
VIP Member

advice po sakin ng friend qng nurse pag first baby mas ok hospital kc hnd mo pa alam qng masikip sipit sipitan... pag masikip daw possible ma cs... un nga din concern q sb q bka biyakin lng ako pag nag hospital eh 😂😂😂

pinagbabawal napo ung birthing home po.. depende din po kasi kung san kau comportable para sa safety nio ng baby mo. pero kung lyin k m nganak mas ok pdn n may record sa hospital incase of emergency. 😊

ok nman po sa lying in mommy. ako hndi ako pwde mag lying in kc may asthma ako kaya need ko tlga mag hospital. btw po im 4mos preggy 😊

VIP Member

50/50 po kase sa lying in madalas irerefer ka pa rin talqga sa ospital kaya better mag ospital na lang

VIP Member

oonaman